ISA ka bang motortista na nagagawi sa Commonwealth Avenue, Quezon City? Sa lugar na kapansin-pansin ang nagkalat na mangongotong na mga tauhan ng MMDA lalo na ang mga tambay sa ilalim ng flyover Commonwealth Avenue, na nagdudugtong sa Katipunan Avenue at Luzon Avenue.
MMDA Chairman Francis Tolentino, paborito nilang tambayan ang lugar dahil sa napakarami nilang suking motorista na ginagawang kotongan. Hindi lang isa o dalawa o tatlo ang mangongotong sa lugar kundi hanggang sampu pa sila. Sabay-sabay ang operasyon kotong ng mga hunghang na iyan. Bagaman baka may matino sa grupo nila na kumokontra siguro sa makamundong lakad na ito.
Paki-aksyonan na lang po MR. CHAIRMAN.
Pero sa araw na ito, hindi ito ang paksa namin at sa halip ay isiningit ko lang ang mga hunghang dahil sa ipinaalala sa atin ng mga nabiktima para tawagan nang pansin si Tolentino at matuldukan na ang katarantaduhan ng mga mango-ngotong.
Anyway, isa ka bang motorista na araw-araw binabaybay ang Commonwealth Avenue? Kung isa ka nga, isa marahil sa kinatatakutan mo ang mga nanghihila ng sasakyan dito. Iyong mga nagto-towing ng mga sasakyan na nasisiraan o di kaya ginagawang garahe ang Commonwealth Avenue.
Nais kong ipabatid sa inyo na ayon sa info, kahit may nakasabit pang karatula ng MMDA o pangalan ni Tolentino sa towing truck isa itong ilegal. Oo ilegal ang operasyon nito.
Bakit? Dahil labag sa batas ang ginagawa nila – ang pagsingil ng multa.
Ayon kasi sa batas, hindi pinapayagan ang mga pribadong indibidwal o korporasyon na mani-ngil ng anomang uri ng multa sa paglabag sa batas-trapiko lalo na kapag hindi resibo ng gobyerno ang gamit nila. Ang dapat kasi ay OR ng gobyerno ng Quezon City ang gagamitin nilang resibo sa mga nagmumulta at hindi iyong resibo ng kompanya.
Isa pa, dapat mayroon din prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Kung inyong napapansin, karamihan sa tow truck sa Commonwealth ay walang prangkisa. Oo kolorum dahil hindi dilaw ang kanilang mga plaka at sa halip ay berde. Kaya kolorum ‘yan. Kapag sinabing kolorum, ilegal ‘yan!
Paging QC Mayor Bistek Bautista, ipahuli mo nga ang mga kolrum na tow trucks sa Commonwealth. Pero ‘wag ka Yorme, maraming taga-City Hall at taga-QC Traffic ang nakikinabang sa mga ilegal na ‘yan.
Kaya sa mga nahuhuli o nahahatak ang mga sasakyan, tandaan ninyo ang resibo na dapat ibigay sa inyo ng towing company ay resibo ng QC government at hindi resibo ng kompanya. Tandaan ‘yan.
Kapag ayaw nilang magbigay ng government OR, pwede n’yo itong ireklamo sa opisina ni Mayor Bistek. Huwag sa traffic police kayo magreklamo ha dahil nakikinabang ang ilan sa illegal towing na ‘yan.
Ano pa man, may mga matino naman daw na towing company sa Commonwealth. Ops, mayroon pa. Ang bayaran o tubusan ay sa tanggapan ng gobyerno nagaganap para tiyak na OR ng gob-yerno ang gagamitin. Kapag hindi sa opisina ng gobyerno ang tubusan. Naku po, ilegal ‘yan!
At ang pinakaimportanteng dapat ninyong malaman na layunin ng towing upang makatulong sa motorista na nagkaaberya sa kalsada. Kumbaga tulong muna bago hila pero ano ang nangyayari. Kinakabitan agad ng panghila ng mga crew ng tow truck.
Ibig sabihin, pwede silang kasuhan ng carnapping. Oo inaagaw kasi nila ang mga sasak-yan. At kailangan din may business permit sa lokal na pamahalaan ang mga towing company. Maging mga tauhan ng towing company kailangan may occupational permit. Kapag wala, ilegal ‘yan!
Kaya sa mga motoristang mabibiktima ng mga hunghang, alam n’yo na ang gagawin n’yo. Ipaglaban ang inyong karapatan.
ni Almar Danguilan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
