NAGA CITY – Nalunod ang 3-anyos paslit nang mahulog sa septic tank sa Brgy. Coco, Pasacao, Camarines Sur kamakalawa.
Kinilala ng biktimang si Renz Noble, 3-anyos.
Naglalaro ang biktima sa likod bahay ng kanilang kapitbahay nang mahulog sa septic tank.
Pinaniniwalaan ng kanyang mga magulang na nalunod ang bata sa ginagawang septic tank na may lalim na apat talampakan, dahil sa pag-ulan.
Agad isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. (BETH JULIAN)