Thursday , December 1 2022

Mga club cum putahan sa QC, nanginig sa banat ng target

Kung noong mga nagdaang panahon ay hindi takot ang binansagang Kwadro De Jack na pasimuno ng kababuyan sa mga night spots sa siyudad ni Mayor Bistek Bautista, ngayon ay tila nangatog ang mga tuhod ng 4 na kolokoy na bugaw.

Hindi lamang umano si Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista ang naiirita na sa mga banat sa media kundi mismong si QCPD Director, Gen. Richard Albano .

Pati kasi ang magandang record ni Gen. Albano at malinis na imahe nito ay nakakaladkad sa mga katarantaduhan ng Kwadro De Jack na kinabibilangan nina alias FERRY BALA-KUBAK, BIG DADDY BUTCH, SAPITULA at isang BOY ARSON.

Iniutos umano ng 4 na bugok na itlog sa mga club operators na mag-lie-low  at huwag muna magpa-bold habang mainit pa ang sitwasyon.

Partikular na binigyan ng warning ang mga clubs sa Cubao, Commonwealth, Novaliches at Mindanao Avenue areas.

Hindi naman umano natinag ang talamak na kababuyan sa mga club at sauna parlors sa kahabaan ng Quezon Avenue at Timog area dahil mas malalaking halaga na umano ang nai-advance nito bilang goodwill at grease money sa KWADRO DE JACK at tahasang nagagalit na umano ang mga nagmamay-ari ng mga establishment.

Isa pang pugad ng prostitusyon sa Kyusi ay ang BALAI LUNA CLUB na pinatatakbo ni BONG BUGAW na umano’y pag-aari ng isang Heneral Ulo at ng padrino nitong si Executive Secretary Jojo Ochoa.

Pasyalan at paboritong tambayan naman ng ilang politiko at media practioners ang CLASSMATE na nasa kahabaan din ng Quezon Avenue na tiangge rin ng laman.

Katabi lamang nito ang KREMLIN na isang sauna parlor na nag-o-offer ng extra service o yaong pakikipagtalik bukod sa masahe sa mga kustomer.

Parang sirang plaka tayong nangangalampag sa tanggapan ni Mayor Bistek Bautista at Gen, Albano na bagama’t alam naman nating nagsasayang lamang tayo ng pagod at oras.

UNTOUCHABLE

PROSTI-CLUB SA PASAY

Sa Pasay EDSA Entertainment Complex naroroon naman ang SAMBA, SHARA ZAD, BULLET, ARROW at CASINO BAR na karamihan ay pag-aari ng Australian national na si VINCE LUMBARDO. ang RICHMAN CLUB, VOCANO at   WILD RIVER.

Nasa kahabaan ng Roxas Blvd. ang D C’ZAR Club na pag-aari ng isang alyas PABLO na anak ng isang Chinese tycoon na da-ting Pangulo ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce diyan sa Binondo.

Mtatagpuan rin sa Roxas Blvd. pa rin ang BACHELOR’S CLUB, isang one-stop club cum putahan na may sauna, KTV bar at night club. Protektado daw ito ng isang konsehal.

Anong say mo Pasay PNP Chief Kernel Renz Ortilla?

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

Maycydel Fajardo Chess

Sa Pozorrubio, Pangasinan
MAYCYDEL FAJARDO, SAMANTHA GLO REVITA, RICHARD DELA CRUZ, MAGKAPATID NA DIMARUCUT SASABAK CHESS TOURNAMENT

MANILA — Kompirmado na ang paglahok nina Maycydel Fajardo ng San Fabian, Pangasinan; Samantha Glo …

Daniel Quizon Chess

Filipino chess whiz naghari sa Asian Juniors blitz tournament

TAGAYTAY CITY — Kinapos si International Master Daniel Quizon sa rapid at standard chess ngunit …

Kim Yutangco Zafra Chess

PH bet Kim Yutangco Zafra naghari sa Estonia chess tourney

ni Marlon Bernardino MANILA — Pinagharian ni Filipino Kim Yutangco Zafra ang katatapos na Tallinna …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa Bicol nasakote sa Pasig

NADAKIP sa lungsod ng Pasig ang isang 48-anyos lalaking wanted sa kasong pamamaslang sa kanyang …

road accident

Bumangga sa barrier
11 PULIS SUGATAN SA TUMAOB NA PATROL CAR

SUGATAN ang 11 pulis nang sumalpok ang kanilang patrol car sa isang concrete barrier saka …

Leave a Reply