Thursday , June 4 2026

Psycho

MATAPOS na  maungusan ng Rain Or Shine ang Meralco, 97-96 sa overtime upang makausad sa semifinals ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s cup noong Sabado ay humingi muna ng paumanhin si coach Joseller “Yeng” Guiao sa mga taong kahit paano’y naapektuhan at nasaktan nang tawagin niyang ‘Mongoloid’ si Cliff Hodge ng Bolts.

Ang insidente ay naganap sa dulo ng Game Two na napanalunan ng Elasto Painters noong Miyerkoles.

Hindi kasi nagustuhan ni Guiao ang foul ni Hodge laban kay Raymond Almazan na nakaligtas sa pansin ng mga referees.

Noong Biyernes ay binago ng Commissioner’s Office ang tawag ng mga referees sa foul ni Hodge at ginawa itong flagrant foul penbalty two. Pinagmukta si Hodge ng P20,000 subalit hindi  na sinuspindi.

Pero dahil sa paggamit ni Guiao sa terminong ‘Mongoloid’ ay mas matindi ang naging parusa sa Rain Or Shine coach. Pinagmulta ito ng P100,000.

Kasi nga’y hidi maganda ang terminong ginamit ni Guiao. Maraming nasaktang mga magulang at kaibigan ng mga taong may kapansanang ganito. Hindi nga naman dapat na nilalait ang mga taong ito na dapat ay kinakalinga.

At naunawaan ni Guiao ang kayang pagkakamali kung kaya’t tinanggap niya ang parusang ipinataw sa kanya ni commissioner Chito Salud.

Huningi siya ng paumanhin sa mga taong nasaktan niya.

Humingi siya ng paumanhin sa lahat maliban kay Hodge.

Aniya’y hindi pa kasi niya nahahanap ang tamang terminong dapat na gamiting patungkol kay Hodge. Puwede daw gamitin ang katagang ‘psycho!”

Hindi naman siguro iyon nakakasakit ng damdamin ng mga tao.

Kung sakali, baka si Hodge lang ang masaktan!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …