Tuesday , September 27 2022

Sisihan sa Mindanao blackout itigil na – Palasyo

TIGILAN na ang sisihan at magtulungan na lang sa paghahanap ng solusyon sa power shortage sa Mindanao.

Ito ang panawagan ng Palasyo kahapon sa Department of Energy (DoE) at National Power Corporation (Napocor) na nagtuturuan kung sino ang dapat managot sa naganap na Mindanao blackout kamakailan.

“Hindi po ito ang panahon para magsisihan. Ang kailangan po ay iyong pagtutulungan para hanapan ng solusyon. Sa amin pong pagkabatid ay ginagawa ng Department of Energy ang lahat ng nararapat para matugunan ang kasalukuyang power situation sa Mindanao,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr.

Hindi pa batid hanggang  ngayon ang dahilan ng naranasang 32-oras na blackout sa Mindanao at magpapatuloy ang power shortage sa rehiyon hanggang 2016 dahil sa taon na ito pa lamang magagamit ang mga bagong power plant.

Nauna nang inamin ni Pangulong Benigno Aquino III na ang isa sa mga dahilan kung bakit nahuhuli ang Mindanao sa pagkakaroon ng power generation supply ay dahil sa exemption ng mga hydropower plant sa privatization.

“Kung susuriin po natin iyong estruktura ng power supply sa Mindanao, ang karamihan po halos kalahati po yata ng kanilang total supply ay nanggagaling sa hydro-electric power plant — iyon pong umaasa sa tubig. Karamihan po sa mga plantang ito ay matandang planta na. Kung hindi ako nagkakamali ay 30 years o older,” ayon kay Coloma. (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high …

Angat Dam

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan…
TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA PA RIN

SA kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar, patuloy na bumababa …

Bong Revilla Jr Lani Mercado

Sen Bong wala nang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SA kanila na ang posisyon!” Ito ang iginiit ni Sen Bong Revilla nang …

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …

Leave a Reply