Tuesday , September 27 2022

33 patay, 143 sugatan sa terror attack sa Tsina

UMABOT na sa 33 katao ang patay sa panghahalihaw ng saksak ng mga suspek  sa tinaguriang “violent terrorist attack” sa isang estasyon ng tren sa Kunming, China.

Sa ulat ng state news agency Xinhua, nasa 143 katao  ang nasugatan sa nasabing pag-atake ng hinihinalang kasapi ng mga tumutuligsa sa pamahalaan.

Sa ulat ng Xinhua: “It was an organized, premeditated violent terrorist attack.”

Sa salaysay ng isang pasaherong bibili ng tiket sa istasyon na si Yang Haifei, isang grupo ng karamihan ay nakaitim ang pumasok sa istasyon at nagsimulang umatake gamit ang mahabang panaksak at patalim.

Nagimbal ang Chinese microblogging service na Sina Weibo sa post at mga larawan ng insidente na  nakabulagta ang mga duguang biktima.

Limang suspek ang nabaril ng mga awtoridad habang lima pa ang pinaghahanap at  agad ipinag-utos ni Chinese President Xi Jinping ang pagtugis sa mga suspek.

Pahayag ng Pangulo sa Xinhua: “Severely punish in accordance with the law the violent terrorists and resolutely crack down on those who have been swollen with arrogance.”

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

Miyembro ng kilabot na criminal gang nasakote

ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng kilabot na criminal gang na nakatala bilang isang high …

Angat Dam

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan…
TUBIG SA ANGAT DAM BUMABABA PA RIN

SA kabila ng patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig-lugar, patuloy na bumababa …

Bong Revilla Jr Lani Mercado

Sen Bong wala nang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “SA kanila na ang posisyon!” Ito ang iginiit ni Sen Bong Revilla nang …

Sta Maria Bulacan

Sa Sta.Maria, Bulacan…
2 PUSAKAL NA TULAK NASAKOTE

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng dalawang hinihinalang tulak na responsable sa pagkakalat ng ilegal na …

pinuno ng pamahalaan Bulacan

Matibay at umaayon sa pagbabago <br> MGA PINUNO NG BULACAN, NAGKAISA SA PAGRESOLBA NG MGA ISYU NG LALAWIGAN

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina …

Leave a Reply