Thursday , June 4 2026

Batas sa money ban sa eleksyon giit ng Comelec

SA layuning mapigilan ang vote-buying, hiniling ng Comelec sa mga mambabatas na magpasa ng panukalang batas na magpapatupad ng money ban sa specific period bago ang araw ng eleksyon.

“It is a measure that intends to curb the practice of vote-buying by prohibiting the unjustifiable withdrawal of certain sums of money or the actual possession of certain amounts of cash in the period immediately preceding Election Day,” pahayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez.

Aniya pa, “This is a Comelec initiative… We hope to bring it up for consideration so that the legislature can craft a law that will achieve the same thing, perhaps operate along the same line.”

Noong 2013, nagpatupad ang poll body ng money ban. Ngunit ibinasura ng Supreme Court ang Comelec Resolution No. 9688 na naglalayong ipagbawal ang withdrawal nang mahigit P100,000 kada araw gayundin ang pag-transport ng mahigit P500,000 sa loob ng anim araw hanggang election day.

“It was declared unconstitutional simply because of the absence of legislation yet for it. It can be cured simply by someone crafting legislation. The SC has already said that it needs a law. Being declared unconstitutional does not mean legislation cannot be passed for that,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …