Wednesday , October 5 2022

Misis ‘sinakyan’ ng 2 jeepney driver

LUCENA CITY – Halinhinang ginahasa ng dalawang jeepney driver ang 34-anyos ginang kamakalawa sa Brgy. Domoit sa lungsod na ito.

Itinago ang biktima sa pangalang Malou, residente ng Brgy. Poblacion, Unisan, Quezon.

Mabilis na nakatakas ang mga suspek na kinilala sa alyas na Paeng at Barok, kapwa jeepney driver na may rutang Lucena Bayan, at pumipila sa Grand Terminal ng lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng Lucena PNP, dakong 6:30 p.m. habang nag-aabang ng masasakyan ang biktima sa Brgy. 6 patungong Grand Terminal nang huminto ang isang pampasaherong jeep lulan ang dalawang suspek.

Lumapit sa kanya ang isa sa mga suspek, tinutukan siya ng patalim at dinala sa Brgy. Domoit.

Sinabi ng biktima na ipinasok siya sa isang kubo at doon halinhinang ginahasa ng mga suspek.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng kanilang sasakyan. Ngunit natandaan ng biktima ang plate number ng pampasaherong jeep na  LXN 359.

(RAFFY SARNATE)

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

100422 Hataw Frontpage

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo …

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng …

Bulacan Recuers Luksang Parangal

Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap …

Sta maria Bulacan Police PNP

Pusher na 67-anyos na lolo, kinalawit sa ibibiyaheng ‘bato’

KAHIT malapit ng lubugan ng araw ay nagagawa pa ng isang lolo na gumawa ng …

Leave a Reply