Tuesday , September 27 2022

Sarah at Atty. Abrogar nagka-ayos na?

ni  Ed de Leon

LAHAT na ng kasong isinampa ni Sarah Lahbati laban kay Annette Gozon Abrogar ay ibinasura ng piskalya. Kasi sinasabi ng piskal na ang mga sinabi ni Abrogar sa telebisyon noong kasagsagan ng kanilang controversy ay bilang depensa lamang sa kanyang sarili laban sa mga akusasyong ginawa ni Sarah. Kahit na sinong law practitioner naman ang tanungin ninyo, ang pinakamalakas na depensa sa libel ay “self defense”.

Ang naririnig nga namin lately, nag-usap na raw sina Sarah at Abrogar, pero wala namang sinabi kung ano ang kanilang pinag-usapan. Ano man ang napag-usapan nila, magandang simula na nga iyan. At least nag-uusap na sila. At least makikita mo na wala na ang kanilang galit sa isa’t isa.

Mark, ‘di naging tapat kahit GF pa lang si Ynna

HANGGANG ngayon usap-usapan pa rin ang pag-amin ni Mark Herras na siya nga ay tatay na. Pero mukhang naiiba ang takbo ng issue. Mukhang hindi na issue iyong nagka-anak siya. Natural lang naman sa isang lalaki, lalo na sa edad niya na magkaroon na rin ng anak. Iyon na nga lang ang medyo naiba roon ay hindi nauna ang kasal at mukhang wala silang balak na kasal, dahil wala namang nabalitang nagkaroon talaga ng ligawan.

Mukhang nangyari ang lahat nang hindi inaasahan. Kasi noong mabuntis ni Mark ang kanyang handler na si Diane Evangelista, on pa sila ng kanyang girlfriend na si Ynna Asistio. In fact kung titingnan mo ang timetable ng mga pangyayari, nag-split lang naman sila dahil sa ibang problema, mga three months bago ipinanganak ang anak ni Mark. Pero sa kabila ng split ay nagkikita pa rin naman silang dalawa. In fact, huli raw silang nagkita noong February 12, o dalawang araw bago ang mismong Valentines day na nalaman ni Ynna na may anak na nga si Mark na tatlong buwan na. Nalaman niya iyon nang makompirma ng ermat niyang si Nadia Montenegro kay GMA Films president Annette Gozon Abrogar. Lumipas pa ang mahigit na isang linggo bago inamin iyon ni Mark, hindi kay Ynna kundi sa nationwide television. Doon na rin siya nag-apologize kay Ynna at sa pamilya niyon.

So, ang issue ngayon ay hindi na iyong pagkakaroon niya ng anak sa kanyang handler. Ang issue ngayong pinag-uusapan ay parang “infidelity” na rin. Hindi pa naman sila mag-asawa ni Ynna, pero hindi siya naging tapat sa dati niyang girlfriend. Mukhang nakuha ni Ynna ang simpatiya ng publiko lalo na nang aminin niyang nasaktan pa rin siya nang husto kahit split na sila ni Mark, kasi nagkikita pa rin sila eh at hindi inamin iyon ni Mark sa kanya personally. Sila ang nakatuklas tungkol doon.

Pero siyempre, ang fans niya at ang mga kasama niyang artista ay kakampi pa rin kay Mark. Mas matagal nila iyong kasama kaysa kay Ynna. Isa pa, mas malaking star si Mark kaysa kay Ynna na hindi pa naman talagang nakaka-take off ang career, dahil nagkaroon din naman ng problema sa kanyang career na kailan lang din naayos.

Hindi natin alam talaga kung ano ang magiging epekto niyan.

About hataw tabloid

Check Also

Tanya emosyonal — Bumabawi si Vhong sa akin

I-FLEXni Jun Nardo MALIGAYA nang nagsasama ang aktor na si Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista-Navarro nang muling …

Blind Item, excited man

Male starlet marami ang natatanso kahit buking ang pagiging beki

ni Ed de Leon “BAKLA naman po siya talaga, pero marami ngang natanso dahil pogi …

Vhong Navarro Deniece Cornejo

Vhong aapela hanggang SC; Deniece magpapakatatag

HATAWANni Ed de Leon HANGGANG Korte Suprema ay nakahandang umapela ang legal team ni Vhong Navarro kung …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Leave a Reply