Friday , October 7 2022

Isabel Granada, kinikilig sa love team nina Kathryn at Daniel

 
ni Nonie V. Nicasio

“MAMI-MISS ko po ang Got To Believe… because the casts, staff, and crew are awesome!” Ito ang ipinahayag ni Isabel Granada nang maka-chat namin kamakailan.

“Maganda ang pagtanggap ng viewers sa role ko bilang Tessa  Zaragosa na asawa ni Kuya JojoAlejar at mom ni Jon Lucas (as Dominic),” dagdag pa ni Issa.

Ayon pa sa Tisay na aktres, ipinakita ng kanilang top rating na serye sa ABS CBN na kahit gaano kayaman ang isang pamilya, mas mahalaga pa rin na buo at may pagmamahalan sa isang pamilya.

“Ipinakita namin dito na kahit gaano ka kayaman, kailangan ay buo pa rin ang pamilya mo at supported dapat ang anak. Na nandyan kami to guide him, to advise him and teach him how to love yung kapwa mo, kahit mahirap o mayaman ka pa.”

Nagpasalamat din siya sa mga tao sa likod ng camera sa Got To Believe sa pangunguna ni Direk Cathy Molina.

“I’m thankful to Direk Cathy Molina for believing in me, since our last project was Sa Puso Ko Iingatan Ka noong 2002. To Direk Richard Arellano na napakabait at tiwala din sa kakayahan ko sa pagganap as Tesssa Mi Amor and to Direk Ricky Rivero also, na nagpapaalala ng Spanish talks ko rito.

“To Ate Tang, sa pagpapaalala ng taping scheds ko, to Miss Mylene, Miss Therine, Mr. Ej… sa lahat ng bumubuo ng Got to Believe .. maraming salamat po.

“Sa lahat ng fans ng GTB, maraming salamat po. Tandaan sana natin na In every ending, there’s always a new beginning… Sa ABS CBN, thank you so much po.”

Nabanggit din ni Isabel na gusto niyang makasama ulit sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ibang project. Plus, gusto rin daw ni Issa na maging active siya ulit sa pelikula.

“Yes, gusto ko ulit makasama sina Daniel at Kathryn sa ibang projects at makagawa ng projects pati sa ibang TV stations. Iyong wala kang iniisip na may network war, na kahit saan go!

“Gusto ko rin makalabas sa movies for Regal Films, Star Cinema and Viva Films. Iba kasi kapag sa big screen ka lumabas and isang panooran lang ito.”

Ano sa tingin mo ang sikreto kaya hottest young stars and hottest love team ngayon sina Daniel at Kathryn?

“They are the hottest and you see in them na may limit pa rin ang sweetness nila. Kaya nakakakilig lalo silang tignan, iyon bang may innocence? Iba ang hatak nila sa fans e.”

About hataw tabloid

Check Also

Jillian Ward

Jillian binulyawan ng doktor

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN ng isang content creator na isa ring doctor na si Dr. Alvin …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Dating sikat na matinee idol suki ng mayayamang bading sa car fun

ni Ed de Leon “KAILAN ba siya babalik sa Pilipinas? Nami-miss na namin siya,” tanong ng …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin sumailalim sa angioplasty

HATAWANni Ed de Leon NAKAKA-CONFUSE iyang lumalabas sa social media na sinasabing naoperahan sa Asian …

MTRCB

Sa paggawa ng pornograpiya
‘PINAS KA-LEVEL NA NG JAPAN, SK, CHINA

HATAWANni Ed de Leon NATURAL umaangal ang mga gumagawa ng mga pelikulang soft porn na …

Mike Tan

Mike tinupad pangarap na makapagtapos

MATABILni John Fontanilla FEELING nasa cloud 9 ang Kapuso artist na si Mike Tan dahil nagtapos na siya sa …

Leave a Reply