Wednesday , October 5 2022

Pag-aakapan nina Sarah at Maja, totoo ba o plastikan lang?

ni Alex Brosas

NAGPLASTIKAN ang tingin ng ilan sa pagyayakap nina Sarah Geronimo and Maja Salvador off-cam sa Sunday noontime show ng Dos.

Ang paniwala ng marami ay magkaaway ang dalawa because of Gerald Anderson na unang na-link kay Sarah before kay Maja. Common knowledge naman na sina Maja at Gerald na ngayon.

Nakunan ng video ang yakapan ng dalawa na lumabas sa isang popular website at marami ang nag-comment, most of them positive.

“Wow nmn sarah… nice to see n u r humble… thanks nmn at u dont hold grudges… good example k tlg… and for maja thanks din at good vibes tau… P is P talaga :),” say ng isang fan ni Sarah.

“Hayy. Buti naman. Bait talaga ni Sarah G kahit kelan,” sabi naman ng isa pang maka-Pop Star.

“Nice! Love these two girls! Noon pa man sweet na talaga sila sa isat isa. Mraming off cam vid sa asap na super sweet sila dati. Atleast napatunayan nila na kahit ano p man mangyari di masisira friendship nilang 2. Magkapalit man sila ng bf.hahaha,” comment ng isa pang fan.

“Eversince ok ang2 offcam! Medyo may ilangan lang coz of the situation. Last year sa b-day celeb. ni Maj sa ASAP, SG & Mommy D. greeted & hugged Maj backstage. Some fans witnessed it & staff tweeted it but hindi na lang pinalaki para di intrigahin ang 2! Maja’s mom was also at the studio that time. They’re like sisters & ate ang tawagan nila as lambingan, although same age lang! Luv, luv,luv!” rebelasyon naman ng isa pa.

Willie, babalik sa Dos via NaWiwillieNa?

BABALIK na raw si Willie Revillame sa ABS-CBN.

‘Yan ang buod ng isang article posted on Eritas Time. Magbabalik na nga raw ang TV host sa noontime. At ang bagong show daw nito ay tatawaging NaWiWillie Na.

Kaagad namang nag-deny si Adrian Gret, isa sa mga staff ni Willie. Siyempre, kung mayroon mang nakaaalam na magbabalik siya sa TV ay ang staff niya, ‘di ba?

“’NaWiWillie Na?’……. Not true,” sabi ni Adrian sa kanyang Facebook account.

In our last interview with Willie ay sinabi niyang walang negosasyong nagaganap between him and ABS-CBN executives. Wala siyang nakakausap na network executives, be they from ABS-CBN, GMA 7 o Kapatid Network.

Actually, marami pa rin ang umaasa na magbabalik si Willie sa TV.

DJ Chikki, lucky lady DJ Chikki Boom Boom from MOR 101.9 is one lucky lady.

Seven months pa lang siya as DJ pero siya na kaagad ang napili ng Lesofat, isang anti-obesity drug, na maging image model nito.

“Dumating lang ‘yan. Naghahanap daw ng parang…I’m not claiming that I am a celebrity pero ‘yung may mileage (ang hinahanap nila). Parang naiisip ko nga na parang gagawin akong guinea pig. Noong nakausap nila ako sinasabi nila (na I got the part) because of my personality, that I am accommodating, that I am talkative, so ganoon,” chika niya sa amin.

“I drink it three times a day before meals. Ang side effect niya, ‘yung paglabas ng bowl.In the span of more than two months, I lost about 16 to 17 lbs,” dagdag pa niyang chika.

This Communication Arts graduate form Colegio de San Juan de Letran auditioned sa ABS-CBN para maging DJ. It was just out of fun and curiosity.

“They had a nationwide audition. They invited people coming for the different regions. May nagsabi lang sa akin na gusto niya ang timbre ng boses ko. I was about to apply to a different station tapos bigla na lang…habang nakatambay ako sa coffee shop sinabihan ako ng officemate ko na may opening daw (sa ABS-CBN) so, I submitted my voice file. After that nagtu;oy-tuloy na. ABS-CBN is looking for new voice talents then. We were 250 plus then we were trimmed down to 15,” chika pa ng Lesofat endorser.

“Actually, ako lang ang natanggap na walang experience as DJ. Lahat ng natanggap, pito kami na nakapasok na bago talaga. ‘Yung iba galing sa ibang station, ‘yung iba naman they were not DJs pero they had an exposure on TV.

“Ang kaibahan namin sa ibang estasyon ay mayroon kaming online TV so, nakikita kami via TV. At saka, with the advent of new technology, there’s Twitter, Instagram, Facebook so, nakikilala ka na rin,” chika pa niya.

Hindi lang DJ si Chikki, she’s also an associate producer for the weekend  programs of  MR 101.9.

“After four months naging associate producer ako. Ako ang nagko-conceptualize kung ano ‘yung dapat gawin sa programa. Pero as of now I am not yet taking new programs. I am just continuing what the programs are doing right now.”

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply