Wednesday , October 5 2022

Joey, ‘di na trip gumawa ng pelikula!

ni John Fontanilla

KAHIT almost  seven years nang hindi ng sitcom si Joey de Leon ay wala naman daw siya masyadong adjustment sa paggawa muli via One of the Boys ng TV5 na mapapanood sa buwan ng Marso.

Tsika nga ni Joey, “Wala namang mga adjustment sa akin. Semi-retired na nga ako, eh. ‘Pag walang biyahe, ‘yun lang ang ano ko, biyahe. (‘Eat) Bulaga’ lang naman.

“Matagal na ito. Kaya nagsu-shoot na sila. Rito, kahit mag-absent ako, okey lang. Wala talaga sa pelikula. Mas masarap sa air-con ha ha ha.

“At saka wala na ang pelikula, eh. Sa December na lang.”

May resemblance ba in real life ang role mo sa One of the Boys bilang Daddy?

“Pare-pareho naman ng hulma ang mga tatay. Eh, ako naman game na daddy. Ganoon naman ako.

“Pero sa totoong buhay, hindi naman ako mahigpit na daddy! Ako nga, hindi makaalis na nag-iisa. Gusto ko kasama ko lahat. Kaso ‘yung iba, ayaw naman.

“Pero ngayon  may Canada pa kami ang layo. Parang mag-i-expire na ang deodorant ko sa layo! Medyo nag-iisip na kami. Kaya sina-suggest ko, mag-stop over ha ha ha!

“Pero ganoon talaga, eh. ‘Pag sa simula, gusto mo malalayo. ‘Pag nagkaka-edad ka na, Macau, ‘di ba? Wala na. Tumatanda ka na. Ang haba, eh! Ha ha ha.”

Token Lizares, ang singer na may ginintuang puso!

MAY ginintuang  puso ang tinaguriang Charity Diva na si Token Lizares dahil hindi lang ito magaling umawit at composer, kung hindi may puso rin ito at bukas ang kamay para tumulong sa mga kababayan nating kailangan ng tulong.

Ginagawa nitong instrumento ang angking galing sa pag-awit para makatulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng konsiyerto na ang lahat ng kinikita rito ay itinutulong ni Token.

At sa March 22 , 2014  sa Teatrino Greenhills, San Juan, Metro Manila ay magkakaroon ito ng konsiyerto entitled My Token of Love, Token Lizares na  makakasama nito sinaRichard Poon, German Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Niza Limjap, AJ Tamisa and Le Chazz with Alex Datu (front act) at ang kikitain ng konsiyertong ito ay mapupunta sa Holy Family Home Bacolod Foundation Inc. at Capuchin Tertiary Sisters of the Holy Family.

Teejay, thankful sa PMPC para sa nominasyong nakuha

MASAYA ang young actor na si Teejay Marquez sa nakuhang nominasyon sa 30th Star Awards For Movies  for Best New Male Movie Actor na nakatakdang gawin sa March 9 sa Solaire para sa kanyang mahusay na pagganap sa pinagbidahang Indie Film, ang Pag Ari.

Hindi raw umaasang manalo si Teejay dahil equally magagaling ang kanyang mga co-nominee na sina Rodjun Cruz, Arkin Del Rosario, Vince Tanada, Akihiro Blanco, Ruru Madrid atbp.. Pero kung papalarin daw siyang maiuwi ang tropeo ay iaalay niya ito sa  kanyang lola at sa kanyang inang nasa Japan.

Sa ngayon ay busy si Teejay sa kanyang bagong bukas na negosyo sa Boracay, ang Ace Buko Time na isa rin siya sa image model at sa mga mall show kung March 16 ay nasa Starmall San Jose Bulacan at sa March 29 sa Starmall Edsa siya kasama ang Full Force Dancers.

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply