Thursday , June 4 2026

Masarap talunin ang Rain or Shine — Romero

NATUWA ang team owner ng Globalport na si Mikee Romero nang tinalo ng kanyang koponan ang Rain or Shine, 90-88, noong Linggo sa PBA MyDSL Philippine Cup.

Ito ang unang beses na nanalo ang Batang Pier kontra sa Elasto Painters mula noong sumali ang tropa ni Romero sa liga noong isang taon.

Ilang beses na naglaban ang ROS at Globalport sa nabuwag na Philippine Basketball League kung saan nagkampeon ang Batang Pier nang pitong beses at anim naman para sa Painters.

“Kaibigan ko sina Raymond Yu at Terry Que (team owners ng ROS) and we’re still friends until now. Matagal ang pinagsamahan namin since PBL days,” wika ni Romero. “Dati-rati, nahirapan kami sa kanila since PBL days and I don’t remember na kung kailan namin silang tinalo. Masarap manalo sa kanila.”

Samantala, sinabi ni Romero na malaking tulong para sa Globalport ang komunikasyon niya sa mga manlalaro at ang coaching staff sa pangunguna ni head coach Richie Ticzon.

“Malaking bagay kasi yung talo naming back-to-back against Ginebra and Talk ‘N Text, because after that, ang tagal namin sa dugout. Sabi ko, we have to change a lot of things and start enforcing the system both offensively and defensively,” ani Romero.

Sinabi rin ni Romero na kailangang maintindihan ng pambatong rookie ng Globalport na si Terrence Romeo na dapat makisabay siya sa iba niyang mga kakampi at huwag maging buwaya.

“He (Romeo) scored 27 and 34 points, pero both games, talo kami. He scored two and four points, pero panalo kami. That doesn’t mean di namin siya kailangan, pero he has to work within the system. I believe magma-mature din naman siya eh, 20 years old pa lang siya,” dagdag ni Romero.     (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …