Friday , May 24 2024

Aguilar may respeto pa rin sa TNT

KAHIT siya’y naging bayani sa panalo ng Barangay Ginebra San Miguel kontra Talk ‘n Text noong Linggo sa PBA MyDSL Philippine Cup, may respeto pa rin si Japeth Aguilar sa kanyang dating koponan.

Nagtala si Aguilar ng 21 puntos, 12 rebounds at pitong supalpal sa 97-95 panalo ng Kings kontra Tropang Texters sa dumadagundong na Smart Araneta Coliseum kung saan humabol ang Ginebra mula sa 82-70 na kalamangan ng TNT sa huling yugto.

Naisalpak ni Aguilar ang kanyang tres sa huling 1.1 segundo ng laro at sinupalpal niya si Ranidel de Ocampo sa huling busina upang iselyo ang panalo para sa Ginebra.

“Alam ko na  ang gagawin nila sa akin. Sobrang paghahanda ang ginawa nila at naging physical sila sa akin. May mga opportunities na kinuha ko against them (Texters ,” wika ni Aguilar na hindi masyadong binabad noon sa TNT.

“Make-or-break ang ginawa kong tira. I went to the screen nang maaga pero pinabalik ako ni LA (Tenorio) at nag-lose kami ng three seconds. Noong lumabas si LA sa screen ni Greg (Slaughter) at pinasa niya ang bola sa akin, I tried to stay calm as possible, kaya ayun, tinira ko na.”

Idinagdag ni Aguilar na ang ipinakita niyang laro noong Linggo ay patunay na handa na siya sa mas matinding laban para sa Ginebra at mas lalo siyang nirerespeto ng kalaban.

“Coming of age nga ito para sa akin. At least, yung position namin, maganda ngayon. Ako naman ang tipong player na iniisip ko kung paano ako mag-improve. Medyo kung out of control ang laro ko, sina LA at Mark (Caguioa) ang tumutulong sa akin,” pagtatapos ni Aguilar.

ni James Ty III

About hataw tabloid

Check Also

Richard Villaseran Michael Jan Stephen Rosalem Iñigo

5 King’s Gambit Online Chess School bets kalipikado sa Palarong Pambansa

MANILA — Ipinakita ng King’s Gambit Online Chess School ni Coach Richard Villaseran kung bakit …

Benhur Abalos Hopeful Stakes Race bida si Amazing

Hopeful Stakes Race bida si Amazing

ni Marlon Bernardino NAGING sentro ng atraksiyon ang kabayong si Amazing matapos mamayagpag sa 2024 …

Sasabak sa SEABA qualifiers SUPORTADO NI CAYETANO GILAS PILIPINAS UNDER-18 WOMENS BASKETBALL TEAM

Sasabak sa SEABA qualifiers
SUPORTADO NI CAYETANO GILAS PILIPINAS  UNDER-18 WOMEN’S BASKETBALL TEAM

MANILA, Philippines – Buo ang suporta ni Senator Pia Cayetano sa koponan ng Gilas Pilipinas …

Labog kampeon sa 9th leg ng PCAP Champions League Open chess tilt

Labog kampeon sa 9th leg ng PCAP Champions League Open chess tilt

MANILA — Nagkampeon si Marc Kevin Labog ng Solano, Nueva Vizcaya sa 9th leg ng …

2024 Philracom 1st leg ng Triple Crown nakopo ng kabayong si Ghost

2024 Philracom 1st leg ng Triple Crown nakopo ng kabayong si Ghost

NAKOPO ng dehadong kabayo na si Ghost ang 2024 Philippine Racing Commission (Philracom) 1st Leg …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *