Sunday , April 28 2024

Tag Archives: Pangulong Rodrigo Duterte

Award-bola tinabla ni Presidente Duterte

GUSTO natin ‘yung sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nandoon siya sa Cavite. Ayaw niya ‘yung iniimbita siya pagkatapos ay bibigyan siya ng award o plaque. Hindi raw dapat ginagawa ‘yun. Hehehe! Oo nga naman. Ano ba ang palagay ninyo sa Pangulo, mabobola ninyo sa ganyang estilo?! Kung sa bagay, usong-uso ngayon ‘yan. Kahit hindi naman sila award giving body …

Read More »

HUDCC sec-gen sinibak ni Digong

Falconi Millar HUDCC Duterte

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Hou­sing and Urban Develop­ment Coor­dinating Coun­cil (HUDCC) Secretary General Falconi Millar dahil sa korup­siyon. “There are no sacred cows in the Admi­nistration, especially in its drive against cor­ruption. As the President said, he will not tolerate even a whiff of corruption in the Executive Branch of Government. The Palace is announcing the ter­mina­tion of …

Read More »

Empleyado ng PECO nagsumbong kay Digong (Hindi lang consumers)

AMINADO ang mga kawani ng Panay Electric Company (PECO) na kai­langan ng new management ng mga residente sa Iloilo City para masolusyonan ang problema sa koryente sa lalawigan. Sinabi ni Gaudioso Arnejo Sumandi , 24 taon nang empleyado ng PECO at nagsisilbing lineman at trouble shooter, mismong siya ay hindi na nakatiis sa palpak na pamama­lakad ng kompanya kaya pinangunahan …

Read More »

PECO ibasura — Subscribers (Hiling kay Duterte, sa Senado at sa Kamara)

UMAPELA kahapon ang ilang residente ng Iloilo City kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa Senado, at sa House of Representatives na ang boses ng mga consumer ang pakinggan at tuluyan nang ibasura ang apela ng Panay Electric Company (PECO) para sa kanilang legislative franchise renewal. Sigaw ng mga resi­dente, kung hindi pa sapat ang mga inilahad nilang reklamo laban sa PECO sa …

Read More »

Excise tax suspendido sa 2019 (Aprub kay Digong)

Duterte Oil Excise Tax Suspended

PASADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang reko­men­dasyon ng kaniyang economic managers na suspendehin ang pag­papataw ng dagdag na dalawang piso sa excise tax ng produktong pe­trolyo sa susunod na taon. Ito ang nakasaad sa memorandum ni Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea kay Finance Secretary Carlos Do­minguez. Ayon kay Budget Secre­tary Benjamin Dok­no, magandang ba­lita ito dahil maka­tu­tulong para maiwasang sumirit pa …

Read More »

Duterte dadalo sa Asean Summit sa Singapore

NAKATUON sa pagpa­palawak ng kaunlaran at seguridad ang 33rd ASEAN at Related Sum­mits sa Singapore na da­dalohan ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang world leaders nga­yon. Aalis ngayong 4:30 ng hapon sa Davao City si Pangulong Duterte upang dumalo at isulong ang mahahalagang usapin sa Filipinas sa ASEAN, na ang tema ngayong taon ay “A Resilient and Innovative ASEAN.” …

Read More »

Katiwalian sa PNP mababawasan — Lacson (Sa taas-sahod sa pulis)

UMAASA si Senador Pan­filo Lacson na mababa­wasan ang katiwalian sa Philippine National Police (PNP) o mawawala na ang kotong cops kapag ipina­tupad sa Enero 2019 ang pagtataas ng sahod sa mga pulis. Naniniwala rin ang Se­na­dor na magiging epektibo ang pagtataas sa sahod at mga benepisyo sa mga pulis dahil sa “political will” ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisakaruparan ito …

Read More »

Pagbuhay sa patay na Pasig River, itutuloy ni Goitia sa ibang ilog

NANGAKO si Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia na ipagpa­patuloy niya ang pagbuhay sa 27 kilometrong Ilog Pasig matapos nitong talunin ang Yangtze River ng China sa kauna-unahang 2018 Asia Riverprize. Ipinarating ni Goitia ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga opisyal ng International River Foundation, Australian River Partnership, committee organizers, mga hurado at …

Read More »

Alan Peter Cayetano suportado ni Pangulong Digong sa kongreso (Susunod na House Speaker)

Rodrigo Duterte Alan Peter Cayetano

HINDI umano mapipingsan ang buong-buong suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pagtakbo nito sa Kongreso at sa pagiging susunod na House Speaker. May duda pa ba? E ‘yan nga’t nakakamada na ang puwesto sa Kamara? Itinaas ni Pangulong Duterte ang kamay ni Cayetano sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating Kalihim noong nakaraang …

Read More »

AFP takeover sa Customs kaduda-duda — Pangilinan

AFP Bureau of Customs BOC

NANINIWALA si Sena­dor Kiko Pangilinan na kaduda-duda at nakali­ligalig ang pagsasailalim sa pamamahala ng Armed Forces of the Philippines sa ahensiyang revenue-generating. “Ano ang alam ng AFP sa pangongolekta ng buwis at tarifa? Lalo lang pinalalakas ang mili­tarisasyon sa burakrasya. Ano susunod? BIR? Immigration? Hindi lahat ng militar mahusay sa pagpapatakbo ng gob­yerno, tulad ng palpak na si Capt. Faeldon …

Read More »

AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto

Tito Sotto Rodrigo Duterte Bureau of Customs BoC

SUPORTADO ni Senate President Tito Sotto ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines bilang pan­samantalang tagapa­ngasiwa sa operasyon ng Bureau of Customs bago ang pagpapalit ng lide­rato ng ahensiya. Ayon kay Sotto, naniniwala siya na mga ganitong uri ng “drastic measures” ang kinakai­langan upang tuluyang maputol ang mga ilegal na gawain sa BoC na matagal …

Read More »

What Villar wants Villar gets!?

Manny Villar Rodrigo Duterte 3rd telco Streamtech

DYARAAAN… And the winner is — Manny Villar’s Streamtech Systems Technologies Inc! Bravo! Masyado na talagang lumalaki ang bilib natin kay former lawmaker Manny Villar. Whatever he wants, he gets. Kung dati ay nagtitiyaga lang siya sa isang maliit na banko (Capitol Development Bank), ngayon isa na siyang bilyonaryong negosyante. Mula sa lupa, bahay, condo, mall, coffee shops, at tubig, …

Read More »

Ex-customs intel officer arestohin — Duterte (Sa P6.8-B shabu )

Hataw Frontpage Ex-customs intel officer arestohin — Duterte (Sa P6.8-B shabu )

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde ang pag-aresto sa isang dating Customs intelligence officer na sabit sa pagpuslit ng illegal drugs sa bansa. Sa kanyang talumpati sa Palasyo kahapon, sinabi ng Pangulo, si Jim­my Guban, dating Cus­toms intelligence officer, ang namemeke ng ID para makapasok sa bansa ang illegal drugs. Sinabi …

Read More »

Narco mayors ‘di lulusot sa ‘high treason’

Hataw Frontpage Narco mayors ‘di lulusot sa ‘high treason’

  MAHAHARAP sa kasong “high treason” o pagtataksil sa bayan ang alkaldeng mapatutunayang sangkot sa illegal drugs. “It is high treason if you do that to your country. So, iwasan ninyo ‘yan. I’m not saying that it’s all about money, but you can have comfortable lives if you are a mayor. Just avoid drugs,” ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa …

Read More »

CHED ‘walang alam’ sa recruitment ng ‘komunista’sa NCR universities

HINDI papayag ang mga opisyal ng Com­mission on Higher Education (CHED) na magamit sa maling paniniwala at mga ilegal na aktibidad  ang mga estudyante at mga unibersidad sa bansa. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Cinderella Jaro, OIC executive director ng CHED, na umaaksiyon sila base sa official  communications na kanilang natatanggap, ngunit hanggang ngayon ay wala namang …

Read More »

Party-list system kinopo na ng ‘oligarkiya’ (Marginalized sectors no more)

party-list congress kamara

NALULUNGKOT tayo na ang party-list system ay nilamon na rin ng mga tradisyonal na politiko sa ating bansa. Ang tradisyonal na politika (TRAPO) dito sa ating bansa ay nangangahulugan na pag-angkin sa kapangyarihan ng oligarkiya o ng iilan. Ang oligarkiya (oligarkhia sa Greek) ay bansag ni Aristotle sa iilang (o oligos) may hawak ng kapang­yarihan sa isang lipunan. Kaya mula …

Read More »

SAP maraming mabo-Bong Go sa Senado (Panalong tiyak)

SWAK na naman ang kasabihan — sa hinaba-haba raw ng ‘prusisyon’ sa kumolek ‘este Comelec din tumuloy. ‘Yan ang nangyari kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go. Kahit ilang beses niyang sinabi na hindi siya tatakbo sa Senado, hayan, natuloy rin ang kanyang pagtakbo. At sa lahat ng naghain ng certificate of candidacy (COC), siya lang ang personal …

Read More »

Oust Duterte plot itutuloy sa Disyembre

BAGAMA’T hindi natu­loy ang plano ng rebel­deng komunista na patal­sikin ang gobyerno nga­yong buwan, patuloy pa rin ang planong desta­bilisasyon na maaaring ipatupad sa Disyembre, ayon sa military nitong Lunes. Nauna rito, sinabi ng defense officials, nakiki­pagsabwatan ang mga komunista sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapa­talsik ang punong ehe­kutibo sa pagkilos na ti­naguriang “Red Octo­ber.” Napigilan ng …

Read More »

Usad-pagong rehab ng Kalibo Int’L Airport (ATTENTION: DOTr Sec. Arthur Tugade)

Tugade CAAP DOTr KIA Kalibo International Airport

NGAYONG nalalapit na ang pagbubukas ng Boracay, tanong nang marami, kumusta na kaya ang Kalibo International Airport (KIA)? Kumusta naman ang preparasyon at rehab ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa biglaan nilang renovation sa KIA na dumarating ang halos 10,000 turista araw-araw? Ayon sa ating balita, napakabagal umano ng konstruksiyon ng naturang airport at hanggang ngayon ay …

Read More »

OSHB ‘tribute at pagkilala’ sa obrero

workers accident

MAGKAKAROON ng dagdag proteksiyon ang mga obrero sa nakatakdang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging batas ang Occupational Safety Health Bill ano mang araw ngayong linggo. Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go, layunin ng batas na matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa sa mga lugar na pinagtatrabahuan at mapanagot ang kanilang mga amo sakaling magkaroon …

Read More »

Barangay & SK elections walang dahilan para hindi matuloy

sk brgy election vote

MAGING si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi na pumapayag na mabinbin pa ang barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections sa darating na 14 Mayo 2018. Ilang beses na nga namang na-delay ito mula noong Oktubre 2016 at Oktubre 2017. Ngayon nga ay marami na ang hindi pumapayag na hindi pa matuloy sa Mayo ang BSK elections. Marami nga naman …

Read More »

‘ENDO’ hindi pa mawawaksan ni Tatay Digong (Sa pangakong nakabitin)

NAGPAPAKA-HONEST lang naman siguro si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte nang aminin niyang hindi niya kayang tuparin ang kanyang pa­ngakong tuldukan ang “endo” o end of contract o contractualization sa bansa. Sinabi ito ng Pangulo sa inagurasyon ng bagong shooting range ng ARMSCOR sa Buhangin, Davao City, na hindi kakayanin ng mga kapitalista na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawa. …

Read More »

Amasona barilin sa vagina (Muling pang-uuyam ni Digong)

duterte gun

IMBES matuwa sa pagbabalik-loob ng mga amasonang New People’s Army (NPA), pang-iinsulto sa kanilang pagkababae ang ipinasalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ina-gurasyon ng ARMSCOR shooting range sa Davao City, mayroon pang ikatlong batch ng mga nagsisukong rebelde ang kanyang makakasama sa meryenda sa susunod na linggo sa Palasyo at hindi siya mag-aatubiling sabihing …

Read More »

‘Kompromiso’ solusyon ni Digong sa endo

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kayang tuparin ang kanyang pangakong tuldukan ang “endo” o end of contract o contractualization sa bansa. Sa talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng bagong shooting range ng ARMSCOR sa Buhangin, Davao City, sinabi niyang hindi kakayanin ng mga kapitalista na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawa. Sa inagurasyon ng …

Read More »

Duterte sa US: PH ‘wag kaladkarin sa giyera

HINDI papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na kaladkarin ang Filipinas sa pakikidigma ng Amerika sa ibang bansa. “I am putting a notice: No more deployment of Filipino troops. Never, never again,” ayon sa Pangulo sa media interview kahapon matapos bumisita sa Sara, Iloilo sa burol ni Joanna Demafelis, ang Filipina OFW na natagpuan sa freezer sa Kuwait. Inilitanya ng Pangulo …

Read More »