NAILANTAD na ang nakatakdang Church wedding ng actress-model na si Solenn Heussaff sa kanyang fiancé na si Nicolas Alejandro Bozico dahil sa wedding banns. Ito ay nakalagay sa bulletin board ng Sanctuario De San Antonio Parish Church sa Forbes Park, Makati City.
Ang wedding banns ay ‘yung obligadong ipaskil ang iskedyul ng kasal ng magnobyo sa kanya-kanyang parokya. Ito ay ipinagkakaloob sa panahon ng canonical interview at kinakailangang dalhin kaagad ng magnobyo sa kanya-kanyang parokya para maipaskil.
Nakatakda ang kasal ni Solenn sa May 21 sa Église Notre Dame sa France.
Matatandaang mayroon silang prenup photo noong March.
TALBOG – Roldan Castro