Thursday , December 19 2024

Lolang tulak ng droga itinumba

PATAY ang isang matandang babaeng sinasabing tulak ng droga makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaki kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Elvira Roxas, 60, residente ng Phase 2, Paradise Village, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy kung may kinalaman sa illegal na droga ang insidente at upang mabatid ang pagkakilanlan ng mga salarin.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jerry Dela Torre, dakong 11:30 p.m. habang nasa labas ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang mga suspek at siya ay pinagbabaril at pagkaraan ay mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, Abril 8 nang balaan ang biktima ng hindi nakilalang mga suspek na tumigil na sa pagtutulak ng droga sa lugar.

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *