Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sana may malaking mansion na ako kung totoo po ‘yun — Kathryn (Sa sinasabing Malaki ang ibinayad sa ineendosong politico)

#BASHING! Ito siguro ng malaking kaibahan ng mga tagasuporta ng Teen Queen na siKathryn Bernardo sa pamumuno ni tita Long Magpantay na kamakailan ay ipinagdiwang ang ika-20 kaarawan ng kanilang idolo.

Kaming mga member ng press na naanyayahan para sa kanilang appreciation party pati na sa mga tao sa produksiyon ang naantig sa narating na ng KB Buddies.

Anim na taong solido ang kanilang grupo na may sari-saring namumuno pero pagdating sa mga ganitong pagkakataon eh, nagsasama-sama.

Iba nga ang takbo ng utak ng mga tagahanga ni Kathryn. Para sa kanila, ito ang pinakamahalaga. Hindi man daw perpekto eh susuportahan nila ito sa mahabang panahon.

Isang bagay nga lang kumbaga ang maipipintas nila sa idolo nila. Ang sobra raw na pagka-mahiyain nito na sana eh mabago na. Kasi raw nami-misinterpret ng iba ang madalas na pagiging mailap ng dalaga.

Excited na si Kathryn sa pagsisimula ng shoot nila ni Daniel  Padilla ng pelikula nila under Olive Lamasan na sa Barcelona, Spain kukunan ang halos kabuuan.

Ayaw ni Kathryn na patulan ang mga intrigang politikal. Lalo na ang pagtuturo sa kanila ni Daniel na may napakalaking kinita sa kanilang ineendoso.

“Sana may malaking mansion na ako kung totoo po ‘yun.”

Inusisa ko rin ang butihing ina ni Kathryn na si Mommy Min tungkol dito.

“Hindi naman namin itinatago na kunan ang bahay namin. Marami na ang nagpapasabi. Hindi pa nga lang maayos. Para rin mabura na ang kung ano-anong espekulasyon at makita nila na kami eh, namumuhay pa rin ng simple.”

Kasama ang buong pamilya ni Kathryn na nagpasalamat sa tulong ng press at lahat ng dumalo sa nasabing event. At pinasalamatn din nila ang mga ginagawang inspirasyon si Kathryn sa kanilang pag-aaral.

There’s so much to emulate sa pamilya Bernardo. Solido ang pamilya. At bawat miyembro eh nagsisikap sa buhay. Nurse nga ba sa UK ang isa niyang Ate?

At higit sa lahat, mula sa puso ang pasasalamat ng pamilya na halos maiyak gaya ni Daddy Ted para lang maipadama sa lahat ng tumutulong sa kanyang supling ang abot hanggang langit na pagpapasalamat.

Tinatawanan na lang ni Katryn ngayon ang bashers niya. Dahil naniniwala siya na mas mabi-bless pa rin ang pagkakaroon ng mababang-loob sa mundong ginagalawan niya.

And for Tita Long and her buddies, ibang klase nga silang magmahal at mag-alaga ng idolo. Una na nila itong ginawa noon sa tambalang Judy Ann Santos at sa pumanaw ng si Rico Yan!

And they’re doing it again with so much gusto for Kathryn. Not everyone is blessed to have supporters like the KB Buddies. Na more than the bashing lalo na sa press, hahanapin nila kung ano ang solusyon kung may problema man and won’t be pointing fingers na para bang sakdal linis at tama na nila.

Ah! Parang politika lang!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …