Tuesday , December 6 2022

Bianca, ‘di nakapagsalita at naiyak sa presscon ng My Super D

ISA si Bianca Manalo sa nagkuwento ng mga karanasan niya sa kanyang amang si Mr. Rodrigo Manalo na super daddy sa kanilang magkakapatid.

Ang tagal bago nakapagsalita si Bianca dahil umiiyak na siya, ”kung nandito lang sana ang daddy ko, sasabihin niyon sa akin, na ‘why are you crying?’ Bawal kasi kaming umiyak. Birthday niya kahapon, so, mabigat para sa akin ang buwan na ito,” paliwanag ng aktres.

Bakit super daddy ang tatay niya? ”Kasi hanggang sa mawala siya, he doesn’t want to be a burden to the family. May nararamdaman na pala siya. ‘Pina-autopsy pa namin ang katawan niya only to find out kung bakit siya namatay.

“Bakit super ang daddy ko, ginawa niya ang lahat para sa pamilya namin. Ayaw niya kaming makita siguro na malungkot o nagsa-suffer. Gusto niya siguro na makita kami na masaya kasi masayahin siya, eh.”

Feeling ni Bianca ay binabantayan siya ng daddy n’ya dahil nararamdaman niya ang presence ng ama.

“Naku, Daddy, grabe kang magparamdam. Sa ‘OTWOL’ kay Tatang Sol, nakikita ko sa kanya ang daddy ko. Ngayon naman, may Super D alam kong kasama ko pa rin siya at nandito lang siya parati,” kuwento ng dalaga.

Super close raw silang magkakapatid sa kanilang ama. ”Siya ang nag-train sa akin sumagot sa question and answer sa beauty contest. Everytime na nanonood siya ng beauty pageant, tinatawag niya ako. Kumbaga, sinasabi niya sa akin na dapat ko raw panoorin ‘yun.

“Kapag sumasagot na ang kandidata, eh, hinihinaan niya ang volume at sasabihin naman niya sa akin na, ‘how do you answer that question?’ Nagtataka ako kung bakit niya ‘pinasasagot sa akin, ‘yun pala, eh, gusto niyang maging beauty queen kami,” kuwento ng aktres.

At ngayon ay ang kapatid na si Nicole naman ang susunod sa yapak niya bilang beauty queen na suportado nilang pamilya.

”As in hanggang sa tip, hanggang sa paano sasagot, composure, hinga ng malalim, huwag masyadong ma-pressure.

“Although, pressure talaga ito dahil bunso na siya. Lagi ko lang sinasabi na i-enjoy.

“Sabi ko, ‘Alalahanin mo, pinagdaanan ko na rin ang kaba na ‘yan.’ Kasi siyempre, may ate na akong panalo. Sabi ko lang, ‘Hingang malalim at i-cherish niya lang ang moment.’”

Samantala, asawa ni Super D ang papel ni Bianca na lagi silang nagdidiskusyon ni Dominic Ochoa dahil kulang sa diskarte o laging inaalat sa mga ginagawa sa buhay.

Mapapanood na ang Super D sa Lunes (Abril 18), bago mag-TV Patrolmula sa direksiyon nina Lino Cayetano at Frasco Mortiz handog ngDreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Alice Dixson

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. …

Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang …

Leave a Reply