Thursday , December 26 2024

Puwede pang lumaban si Manny

PAGKATAPOS ng laban ni Manny Pacquiao laban kay Tim Bradley sa April 9—magreretiro na nga ba siya?

Iyon ang sabi ni Pacman.   Magsasabit na nga siya ng glab pagkatapos ng laban kay Bradley, manalo’t matalo.

At sa napipintong pagreretiro ni Manny isa si Bob Arum ng top Rank ang tipong humihirit pa.   Aniya, hindi pa laos ang Pambansang Kamao para iwanan ang boksing pagkatapos ng pakikipagtuos sa ikatlong pagkakataon kay Bradley.

Sa puntong iyon, tama si Arum na hindi pa laos si Pacquiao.   Pero ang pagreretiro—ramdam na ni Pacman na padausdos na ang kanyang laro.  At ang kanyang kagutuman sa boksing ay tipong bumababa na rin.

Pero teka, pababa na nga ang laro ni Pacquiao pero kung ikukumpara sa mga pasikat na boksingero sa welterweight, angat pa rin ang kalidad ni Manny.

Well, dapat ngang pag-isipan pa rin ng mabuti ng kampo ni Pacman kung talagang totally ay iiwan na nila ang boksing.

Tingin ko, puwedeng kopyahin ni Pacquiao ang istilo ni Floyd Mayweather Jr. pagdating sa pagpili ng laban.   Puwede siyang mag-anunsiyo ng pagreretiro pero kung kinakailangan, puwede siyang bumalik sa ring.   Tiyakin lang niya na hindi matitindi ang makakalaban niya sa kanyang mga comeback fight tulad ng istilo ni Floyd.

Sa pagreretiro  ni Floyd sa larangan, tipo bang bumabalik ang kanyang gutom.  Ikanga, muling nararamdaman niya ang kasabikan.   Kaya pagbalik niya ay naroon pa rin ang bagsik.

Pero sa paglayo ni Pacman sa larong boksing, dapat lang na mag-iwan siya ng matinding “statement” na talagang hindi pa siya laos.   At ang kanyang pagreretiro ay temporaryo lang.

Kailangan niyang manalo kay Bradley sa isang impresibong panalo para matatak iyon sa isipan ng lahat.

At kung sakali ngang babalik siya sa boksing sa hinaharap—hindi siya mababansagang “nagbabalik ang isang laos na boksingero.”

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

About Alex Cruz

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *