Thursday , June 4 2026

Technical Smuggling

NAILAGAY noon ang mga ORAM officials (Office Revenue Agency Modernization) sa Bureau of Customs ng Department of Finance upang pigilan at bantayan  ang mga nangyayaring katiwalian o mga pandaraya sa kaban ng bayan at ayusin ang problema sa revenue collection.

Hoping that they can do the job.

Pero tila hanggang ngayon ang tinatawag na TECHNICAL smuggling ay nagpapatuloy sa bakuran ng customs and practically all sections sa assessment are infected ng sistemang ito.

Ano raw ba ang technical smuggling (TS) na tinatawag at paano sila nakapandaraya? Ang TS ay pandaraya sa actual na BUWIS na dapat bayaran sa customs by changing the actual values, weights,  quantity, etc., by using FAKE  import invoices and packing list na nasasaad ang declared values and other information of a certain shipment.

Ang tanong dito, why the BoC still allows the usage of these fake documents submitted during the process of import entry?

Alam na alam naman nila na PEKE! Kaya masasabi natin, customs still do not collect the right duties and taxes sa imported goods by allowing the usage of fake documents.

Ano kaya ang masasabi ng bagong Hepe ng IMPORT ASSESSMENT SERVICE (IAS)?

Even former Customs commissioners ay wala rin silang nagawa upang pigilan at baguhin ang kalakaran at sistema ng technical smuggling sa bakuran ng customs.

‘Yan ho ang totoo mga suki and prens.

I wonder if customs commissioner Bert Lina can stop it now?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …