NAGALINGAN si Direk Bobot Mortiz sa hugot line ni Angelica Panganiban sa Banana Sundae noong Linggo.
Sa ‘Hugot Palengke” ay nagtitinda ng plastic si Angel. Tumawad naman ang komedyanteng si Jobert: ”Patawad?
“Paulit-ulit na akong nagpatawad,ah! May nangyayari ba? Wala naman. Ayoko na. Pagod na ako. Ayaw ko naaa…,” hugot ni Angelica.
Sabi ng mga kasamahan niya sa Banana Sundae, ”naiintindihan ka namin.”
“Hindi niyo ako naiintindihan, mga plastic kayo, plastic. Mga plastic kayo,” sabay iyak .
“Totoong-totoo, oh,” reaksiyon ni Pokwang kaya natawa si Angelica.
Bwahahaha!
TALBOG – Roldan Castro