Sunday , March 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

MDSW tutukan ng COA

Bato BalaniMATAPOS magkawindang–windang ang panunungkulan ni Dr. Honey Lacuna-Pangan bilang Hepe ng Manila Department Social Welfare (MDSW), inakala ng lahat na matutuldukan na ang kawalang sistema sa pagpapatakbo ng nasabing Departamento. Pero, sus, isang malaking pagkakamali pala mga ‘igan! Mantakin n’yong sa dami-dami ng kuwalipikadong tao na dapat iluklok, kapalit ni Madam Honey, aba’y ang kanyang asawang si Dr. Arnold Pangan pa ang napiling iupo bilang Hepe ng MDSW. Ha? Bakit ang asawa? Wala na bang iba? Bakit ayaw ipaubaya sa iba? Anong meron sa MDSW ang hindi mabitaw-bitawan?

Naku ha, atin ngang alamin!

Kamakailan lang mga igan, isang batang paslit ang namatay dahil sa kapabayaan umano sa “Manila Boystown.” Ang matindi rito mga ‘igan, ayon sa ating Pipit, 14 bilanggong kabataan ang nakatakas sa Reception Action Center (RAC) at pito (7) lang ang naibalik sa kulungan! Anak ng teteng! Bakit natatakasan ang mga gunggong? Ano bang klaseng pagbabantay ang ginagawa ninyo? Aba’y huwag tutulog–tulog sa pansitan nang hindi matakasan…he he he…

Dagdag ng aking Pipit, sinundan nang muling tumakas ang sampung (10) kabataang nakakulong din sa RAC! At nang akmang huhulihin na sila ay sinaksak ang ‘mamang guwardya,’ buti na lamang sa braso lang tinamaan. Sus ginoo kayong mga bata kayo! Ano bang klaseng pangangalaga ang ibinibigay sa mga kabataang ‘yan ? At bakit ganyan ang kanilang estilo? 

Binigyan-diin ng ating Pipit, mga ‘igan, na kung talagang seryoso ang MDSW na hulihin ang mga batang hamog, aba’y hindi na sila dapat lumayo pa ng lugar na pupuntahan. Sus, d’yan lang sa likod ng Post Office at ng National Press Club, sa riverside, ay isang katerbang batang lansangan ang makikita n’yo.

Pero teka, napakarami nang tanong sa MDSW na dapat tutukan. Sa totoo lang, sa simula palang ay problema na ‘yan, ngunit… magpahanggang ngayon ay problema pa rin.

Sa totoo lang mga ‘igan, ang mga batang-lansangan ay walang kasalanan para hulihin at ikulong sa Boystown. Pero, ganoon pa man, kung nasa Boystown naman sila at mabibigyan ng magandang kinabukasan, malaking tulong ito para sa kanila at sa kani-kanilang Pamilya. Pero, meron bang mahihitang maganda ang mga batang-lansangan sa kamay ni Pangan?

Marami nang reklamo ang naglalabasan tungkol sa pamamahala ng MDSW. Una, bakit maraming tumatakas na mga batang-lansangan?” Ayon sa aking Pipit, walang magandang programa para sa mga kabataang ‘yan! Sa klase na lamang ng pagkaing inihahain sa kanila’y parang hayop ang kakain. Walang maayos na pasilidad para sa kanila, na dapat ay mayroon, sapagkat may usaping Budget para sa kanilang kapakinabangan.

Nasaan na ang “Allocated Budget” para sa pagkakaroon ng magandang sistema at kaayusan ang mga batang-lansangan? Paging “concerned departments and agencies.” Pakitutukan lang po ang isyung ito, nang managot ang dapat managot. Kinakailangan na po ng matinding pagbabago sa matitinding problemang kinakaharap ngayon ng Manila Department Social Welfare (MDSW).

Iisang tabi na muna ang pansariling bulsa ‘este’ interes, bagkus tutukan ang tunay na isyung pinag-uusapan para sa kaayusan ng mga kabataang tunay na pag-asa ng ating Bayan. Ang tanong… “Kumusta na ang mga batang-lansangan sa kamay ni Pangan?”

Abangan…  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Johnny Balani

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Sa likod ng oil price hike
Dambuhalang kita ng kompanya, pighati ng masa

PADAYONni Teddy Brul SA BAWAT LINGGO, tila naging normal na ang biglaang taas-baba ng presyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Inter-parliamentary courtesy o pag-iwas sa imbestigasyon?

AKSYON AGADni Almar Danguilan ISANG mabigat na paratang ang ibinato ni Senator Rodante Marcoleta na …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Walang Gawain na nakatali sa kasarian
Mga babae, binabasag mga hadlang sa kasanayan sa konstruksyon

PADAYONni Teddy Brul SA PAGDIRIWANG ng National Women’s Month, isinusulong ng Association of Women Workers …

Firing Line Robert Roque

Mga kababaihan sa likod ng mga dinastiyang pampolitika

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPAG iniisip ng mga Filipino ang mga dinastiyang pampolitika, …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ano ang tunay na layunin ng ‘Maleta soldiers’ exposé?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI  itinuturing na aksidente ang paglitaw ng 18 kataong nagpakilalang ex-Marines …