This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MAHIGPIT umano ang direktiba ng pamunuan ng Bureau of Jail and Management (BJMP) sa pagbabawal nang pagdadala ng sigarilyo sa kanilang mga dinadalaw na preso sa loob ng Parañaque City Jail.
Pero isang ka-bulabog natin ang nagpadala ng info sa katiwalian na pinaggagawa ng isang Parañaque BJMP personnel na alias “NGAYOGAN” ang umano’y nagsusuplay ng kaha-kahang sigarilyo sa loob ng selda 402.
Isang mayor naman na kinilalang alias Gerald, dating miyembro ng PNP SWAT team ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig na may kasong murder ay nagbebenta rin umano sa loob ng nabanggit na selda.
VIP treatment pa umano si Gerald dahil halos isang taon pa lang nakakulong sa kasong MURDER ay itinalaga ng Mayores sa selda 402 sa ika-apat na palapag ng gusali ng BJMP ng Parañaque City Jail.
FYI BJMP OIC C/Supt. DEOGRACIAS TAPAYAN, ang bentahan daw ng bawat stick ng sigarilyo ay P20 pesos at kapag utang ay P25 pesos. Siyempre, hindi rin daw mawawala ang bentahan ng ilegal na droga.
Isang babaeng (courier), ang dumadalaw umano sa isang preso na taga-Baclaran na may kasong droga, ang siya naman nagtutulak sa loob.
Ang selda niya ay sinabing nasa 404 kaya malayang nakasisinghot ng shabu ang mga preso sa naturang selda partikular ang mga may kakayahang bumili.
Parañaque City jail warden Supt. BANTAG, anong masasabi n’yo sa sumbong na ito na nangyayari sa loob ng inyong piitan?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com