Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina, nakipag-bonding sa staff and crew ng Rated K

020116 Korina Rated K
ENJOY na enjoy ang beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa kanyang pagbisista sa Baguio sa katatapos lamang na taunang planning session para sa kanyang top-rating at award-winning na programang Rated K, na nakasama niya ang kanyang staff at crew.

Ilang araw din sila sa Baguio upang planuhin ang iba’t ibang konsepto para sa Rated K. Siyempre, pagkatapos ng planning session, siniguro ng misis ni Mar Roxas na mayroon silang pagkakataon para mag-bonding at ipagdiwang ang walang tigil na pag-ariba ngRated K sa ratings na higit 10 taon nang nasa ere.

Ito ang sikreto sa likod ng tagumpay ng Rated K – sila ay isang buong pamilya na nagkakaisa sa iisang layunin: ang magbigay ng mga kakaiba at kamangha-manghang mga istorya para sa mga Filipino bawat Linggo ng gabi.

Kilala si Korina sa industriya bilang isang non-sense na perfectionist ngunit iilan lamang ang nakaaalam ng lighter side ng magaling na TV host. Karamihan sa kanyang mga staff at crew sa Rated K ay nagsimulang magtrabaho mula pa noong dekada ’90 noong namamayagpag sa ere ang Balitang K.

Napakahalaga para kay Korina ang taunang planning sessions ng Rated K dahil ito lamang ang pagkakataon na makasama niya ang kanyang mga katrabaho upang gumawa ng creative strategies at makipag-bonding na rin sa mga staff na matagal na niyang kasama.

“Nag-mature at nag-grow na kami na kasama ang isa’t isa,” sabi ni Korina. “Marami na kaming pinagdaanan at magkakasama kami sa hirap at ginhawa. Kaya naman pagkatapos ng planning, sinisiguro ko talaga na mayroon kaming kaunting kasiyahan at salo-salo. Ito ang paraan ko upang pasalamatan sila sa kanilang hard work at dedication sa aming show.”

Matatandaan na nagwagi ang Rated K sa katatapos lamang na PMPC Star Awards For TV at nanalo rin dito si Koring bilang Best Magazine Show Host.

Kaabang-abang ang espesyal na episode ng Rated K mamayang gabi sa episode nitong pinamagatang Grabe Siya Oh! Hango ang episode title na ito sa pinakabagong expression na pinasikat ni Vic Sotto at ipakikita rito ang iba’tnibang mga kakaibang koleksiyon ng  celebrities, mga lugar na grabe sa ganda, mga bahay na sadyang kakaiba, at ang istorya ng tagumpay ng reyna ng lumpia ng Cebu.

Mapapanood ang Rated K sa ABS-CBN mamayang gabi pagkatapos ng Wansapanatym at bago mag-Pilipinas Got Talent.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …