HINDI ikinahihiya ni Akihiro Blanco na hindi siya nagtapos ng hay-iskul, pero sa susunod na taon ay ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa OB Montessori.
“’Yun kasi ‘yong time na sumali na ako sa ‘Artista Academy’ (2013),” depensa ng half-Pinoy, half-Japanese actor whose showbiz entry ay nang sumali at maging runner-up sa naturang artista search sa TV5.
Sa presscon kamakailan para sa Wattpad Presents TV Movie, Aki was introduced by Tita Aster Amoyo as “ang Hapon who doesn’t speak Japanese.” Born to a Japanese businessman-father na may negosyong resto noon sa Osaka at Makati, sa bansa lumaki si Aki.
Katuwang niya ang kanyang ina in tending their acoustic bar in Pasig, na roon siya nadiskubre at hinimok pumasok sa showbiz by his mom’s friend. Walang choice si Aki na manatili rito dahil ang kanyang ate ay nasa Singapore at nagtatrabaho bilang titser.
So far, after joining Artista Academy ay marami-rami na rin ang kanyang naging breaks, tatlo rito ay puro indie films. “Bale ‘yung third indie film na ‘Footprints on the Moon’, hindi pa tapos dahil may mga eksena pang kukunan sa Qatar.”
Hindi rin naging maramot ang offers kay Aki to do shows, tulad ng buena mano ng lingguhan (every Saturday, 9 to 10:30 pm) nang Wattpad Presents na nasa ikaanim na season na he stars in Ava! Maldita kasama sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome.
Tinanong namin ang 20-anyos na aktor kung sa loob ba ng halos tatlong taong pamamalagi niya sa showbiz ay ano-ano na ba ang kanyang naipundar? Dahil negosyante ang pareho niyang magulang, we assume na marunong din siyang humawak ng pera.
“So far po, ‘yung brand-new Vios ko, ‘yung tinitirhan kong condo unit sa Pasig at ‘yun pong itinutulong kong puhunan sa acoustic bar namin,” pagmamalaki ng binata.
HOT,AW! – Ronnie Carrasco III