Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BOC Depcomm Ariel Nepomoceno

00 parehas jimmyLAHAT tayo ay kinamumuhian ang illegal na droga.

Kaya naman nagpapasalamat tayo sa ginagawang anti-smuggling operations ng Customs Enforcement Group sa pamumuno ni Depcom Ariel Nepomuceno lalo na sa droga.

Ayon kay Depcom Nepo, walang palulusutin na droga at smuggling sa kanyang termino.

Masagasaan na ang masagasaan!

Kakaiba ang estilo ng kanyang pamumuno na may halong pagmamalasakit sa bayan at sa tiwala na ibinigay sa kanya ni PNoy at ni Sec. Purisima. Tunay na trabaho lamang sya at ayaw niya ng intrigahan.

Kaya ang lagi niyang paalala sa kanyang tauhan ay pag-igihan ang trabaho sa Bureau of Customs, ‘yan ang ‘trademark ni Depcom Ariel.

Siya lang ang nakita ng rank and file employees sa BoC na kailanman  ay hindi nagpahirap sa mga negosyante. Kapag may lumapit sa kanya na may problema sa mga kargamento ay kanyang sinasabihan na tulungan at walang kapalit na pera.

‘Siya lang ang opisyal na nakita natin na ‘di man lang nanghingi ng tara para sa kanyang opisina.

Hindi mapagsamantalang opisyal at hindi mahilig sa media mileage.

By the way, binabati ko pala si Depcomm Nepo sa kanyang silver wedding anniversary. Personal kong nakita ang magandang pagmamahalan nila ng kanyang asawa’t anak.

You’re the best Depcomm Nepo!

Mabuhay ka at ang iyong pamilya!

***

Sa susunod na isyu tatalakayin natin ang isang alias DEBERA sa OCOM at mga nabalitaan nating alingasngas nina Alma at Titus at iba pa.

Dapat itong malaman ni Comm. Bert Lina para matigil na  ang pagkukunwari nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …