Friday , November 15 2024

Traffic constable wala nang diaper — MMDA (Sa traslacion ng Nazareno)

HINDI na pagsusuotin ng diaper ang mga traffic constable dahil hindi komportable habang nagbabantay at nangangasiwa ng trapiko sa gagawing prusisyon ng Itim na Nazareno.

Inihayag ito kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos.

Ayon sa MMDA Chief, hindi komportable para sa kanilang mga tauhan ang pagsusuot ng diaper habang ginagawa ang kanilang trabaho kaya hindi na nila ito gagawin.

Matatandaan, noong nakaraang taon ay pinagsuot ng diaper ang itinalagang traffic constables nang sa gayon ay hindi na umalis pa sa kanilang puwesto kapag dumating ang ‘tawag ng kalikasan.’

Una nang inihayag ng MMDA, mahigit sa 1,600 tauhan nila ang ipakakalat  sa bahagi ng Quiapo sa Sabado upang pangasiwaan ang trapiko habang isinasagawa ang prusisyon ng Black Nazarene.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *