NAKATAKDA sanang pangalanan ng kampo ni Manny Pacquio kung sino ang magiging “farewell fight” ng Pambansang Kamao sa April 9 sa naging laban nina Nonito Donaire Jr at Mexico’s Cesar Juarez noong Disyembre 11 pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay walang inanunsiyong pangalan.
Maging si Arum ay nasorpresa sa pagtanggi ng kampo ni Pacquiao na pangalanan na ang susunod na laban ng tinaguriang Pacman.
Ganoon pa man ay disidido si Arum na panatilihin ang pinareserbang laban sa Abril 9 sa MGM Grand Las Vegas kasali man si Pacquiao o wala.
Lumulutang sa mga balita sa sirkulo ng boksing na matunog na pangalan ni WBO light welterweight champion Terence Crawford para huling laban ni Pacman.
Matunog din ang pangalan ni Tim Bradley para sa isang rematch.