ILANG buwan pa lang ang pagsikat ni Maine Mendoza pero bibigyan na siya agad ni Kuya Germs ng Walk of Fame sa December 1 sa Eastwood kasama si Alden Richards atbp..
Isyu ngayon sa mga bitter na maraming natalbugan, nasagasaan at naunahan ni Yaya Dub.
Pero may magagawa ba tayo kung siya ang choice ni German Moreno sa project niyang ito? Si Kuya Germs ang gumagastos, naghahanap ng sponsor at nag-aabono sa ‘Walk of Fame’ project na ito kaya nasa kanya rin kung sino ang gusto niyang ilagay.
Walang magagawa ang mga senior stars na wala pa diyan kundi maghintay na lang kung kailan sila gustong ilagay ni Kuya Germs .
Walang basagan ng trip, ‘no?
TALBOG – Roldan Castro