Thursday , June 4 2026

Ginebra vs Globalport

020415 PBAPUNTIRYA ng Barangay Ginebra ang ikatlong sunod na panalo kontra Globalport sa kanilang pagtatagpo sa  PBA Philippine Cup kontra Globalport mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nais naman ng TNT na makabawi buhat sa nakaraang kabiguan sa kanilang salpukan ng Blackwater sa ganap na 4:15 pm.

Nakapagrehistro ng back-to-back na panalo ang Gin Kings kontra Meralco (89-64) at Mahindra (80-76) upang umangat sa 3-3.

Napatid naman ang three-game winning streak ng Batang Pier nang ito ay tambakan ng Alaska Milk, 123-94 noong Biyernes at bumagsak sa 3-2.

Nakakakuha ng matinding  performance ang bagong coach ng Ginebra na si Tim Cone sa mga frontliners na sina Greg Slaughter, Japhet Aguilar, Joe DeVance at bagong lipat na si Jervy Cruz.

Ang lakas naman ng Gllobalport ay nanggagaling sa backcourt sa pagtutulungan nina Terrence Romeo at Stanley Pringle na tinutulungan nina Jay Washington at Doug Kramer.

Natapos din noong Biyernes ang three-game winning streak ng TNT nang ito ay talunin ng NLEX, 107-101.

Sa larong iyon ay nagtapos ng may 15 puntos si Jayson Castro subalit nahirapan nang husto dahil sa matinding depensa ng Road Warriors.

Makakatuwang ni Castro sina Larry Fonacier, Danny Seigle, Harvey Carey at rookies na sina Moala Tautuaa at Troy Rosario.

Ang Blackwater (1-4) ay gailing sa back-to-back na pagkatalo sa San Miguel Beer (93-83) at Rain or Shine (103-81).

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …