Thursday , June 4 2026

Inaalat pa rin ang Ginebra

110515 tim cone ginebra
KUMPARA sa naunang laro ng Barangay Ginebra kontra Star,  maganda and ikinilos at ipinakita ng Gin Kings sa kanilang ikalawang game laban sa Barako Bull noong Sabado.

Katunayan ay na-excite ng todo ang mga fans ng pinakapopular na team sa bansa dahil sa nilamangan kaagad nila ang Barako Bull ng 21 puntos, 27-6 sa dulo ng first quarter na kinuha nila, 29-9. Pero hanggang doon na lang ang excitement.

Mula roon ay agam-agam na ang naramdaman ng mga fans nang magsimulang magsagawa ng comeback ang Energy. Naibaba ng Barako Bull ang abante ng Gin Kings sa 43-35 sa halftime bago naitabla ang score 57-all sa pagtatapos ng  third quarter.

Sa dakong huli ay lulugu-lugong umuwi ang Gin Kings matapos na magwagi ang Energy, 82-79.

Iyon ang ikalawang sunod na kabiguang sinapit ng Gin Kings sa ilalim ng kanilang bagong head coach na si Tim Cone. Natalo sila sa Star Hotshots, 86-78.

Ang konsolasyon nga lang ni Cone at ng mga fans ng Barangay Ginebra ay hindi sila tinambakan ng Barako Bull. Di tulad ng nangyari sa kanila nang magharap sila ng Star. Lumayo kasi agad ang Hotshots sa first quarter at naghabol hanggang dulo ang Gin Kings.

Baligtad naman ang sitwasyon kontra Barako Bull. Pero pareho ang resulta.

Siyempre, nakakapikon iyon. Kahit si Cone mismo ay hindi mawari ang nangyari. Sa haka siguro niya ay nasolusyunan na niya ang problema.

Pero ganoon talaga. Nanganganay siya, e.

Isa pa, ang unang dalawang coaches na nakatagpo niya ay mga dati niyang assistants. Ang Star ay hawak ni Jason Webb at ang Barako Bull ay hawak ni Koy Banal.

Aral sa kanya ang mga iyon at alam kung paano labanan ang triangle offense.

May siyam na ibang coaches ay  hindi naging assistants ni Cone, e.

Baka doon ay magwagi na ang Gin Kings!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …