Tuesday , October 3 2023

Nag-iisa sa kanyang liga!

052915 kathryn bernardo
INAAPI na naman sa mga review ang acting ni Kathryn Bernardo na mayroon daw sinusitis kind of acting as compared sa intense at riveting kind of acting ni Liza Soberano. Nagiging nasal daw kasi ang brand of acting ni Kathryn as compared sa all clear, nasal-free brand of acting ni Liza.

Honestly, not for anything, but I like Kathryn’s down to earth brand of acting specially when she gets too emotional and her acting becomes nasal.

Sa totoong buhy naman talaga, you tend to become nasal if your acting becomes too intense.

‘Yun bang bigay na bigay ka at hindi mo na kayang pagandahin pa ang acting mo and you become too absorb in your grief.

That’s the kind of acting that Kathryn tends to give.

Natural. Walang halong kaartehan at nararamdaman.

Kaya I don’t think it’s fair to compare her acting to Liza’s and to other actress as well.

Kanya-kanya sila. Pero I still believe that Kathryn’s acting is one of the best.

Sa totoo, kapag umiiyak na siya sa Pangako Sa ‘Yo, my heart goes out with her.

Para bang masyado akong nata-touch at nalilimutan kong Kathryn’s only delineating a role.

In short, she acts so realistic, you tend to forget that she’s only delineating a role.

Kaya it would be most unfair to compare her kind of acting, which is so realistic, to the acting of other actresses. That much I can tell you!

‘Yun lang!

KAPLOG BATEH PINANDIDIRIHAN NG WORKING PRESS!

Hahahahahahahahahaha! Kinasusuklaman na pala ng working press si Kaplog Bateh. Hahahahahahahaha!

Alam naman kasi nilang scam queen ito at palaging ini-scam ang mga pa-raffle para sa mga tao.

May isa ngang reporter na nagsulat na huwag na raw isali sa mga pa-raffle ngayong Pasko si Kaplog

Bateh dahil minamanipula niya ang mga pa-raffle. Hahahahahahahahahaha!

Nakasusukaaaaaaah! Harharharharharhar!

Anyway, bakit nga ba hindi pa nagbabago itong si Kaplog Bateh when she’s already in her 70s?

Kailan pa raw ba magbabago ang nasabing matanda, kung uugod-ugod na siya at hindi na uubrang makakilos pa?

I don’t know with her. Baka pasyon na niya ang pakialaman ang mga pa-raffle na ‘yan at nang ‘yung mga kakosa lang niya ang makikinabang. Harharharharharhar!

‘Yun lang!

PAGBUBUNYAG NG KATOTOHANAN SA “PANGAKO SA ‘YO,” PATOK SA VIEWERS AT NETIZENS

Pumalo sa national TV ratings at tatlong araw na trending sa social media ang matinding confrontation scene sa “Pangako Sa ‘Yo” noong Biyernes (Oct 30) na ipinagtanggol ni Yna (Kathryn Bernardo) at ibinunyag ang katotohanan sa likod ng paggahasa ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria) noon.

Ayon sa datos ng Kantar Media, nagtala ng national TV rating na 34.5% ang episode kung kailan inamin ni Yna na magkasabwat sina Claudia (Angelica Panganiban) at Diego (Bernard Palanca) sa panggagahasa ng huli kay Amor upang tuluyan na itong iwan ni Eduardo (Ian Veneracion). Natalo ang katapat nitong programang “Beautiful Strangers” ng GMA na nagkamit lang ng 16.9%. Sa pagpapatuloy ng kwento kagabi (Nov 2), nakakuha rin ang “Pangako” ng national TV rating na 36.5% kontra sa 16.9% ng kalabang programa.

Dahil nga sa pagsabog ng emosyon ng mga karakter kung kaya’t mainit itong pinag-usapan sa Twitter, na naging numero unong trending topic ang hashtag na #PSYPaglantad sa buong mundo.

Sa paglalantad ng katotohanan, tuluyan na ngang iniwan ni Eduardo si Claudia. Mapupuno naman ng galit si Angelo kay Amor dahil sa paniniwala niyang kinokontrol na siya si Yna at sinisira ang pamilya niya.

Saan mauuwi ang samahan nina Eduardo at Amor ngayong desidido na ang una na bumawi sa kanyang mga nagawa sa babaeng minamahal? Ano pa ang ibang kayang gawin ni Claudia para paghiwalayin ang dalawa at guluhin ang pamilya ni Yna?

Tuluyan na nga bang mabibilog nina Claudia at Diego ang utak ni Angelo para manatiling kakampi nila? Ano na ang kahahantungan ng nasirang pagmamahalan nila ni Yna?

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Filipino, “Pangako Sa ’Yo,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa exclu- sive updates, mag-log on sa Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreativesTV.

Samantala, maaari na rin panoorin ang full episodes o past episodes ng “Pangako Sa ‘Yo” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

 Robin Padilla, Mariel Rodriguez

‘Junior’ ni Robin nag-hello sa live online selling ni Mariel 

MATABILni John Fontanilla USAP-USAPAN at trending sa social media ang aksidenteng pag-hello ng  “junior” ni Sen. Robin …

Troy Montero Aubrey Miles Rocky

Pagkawala ng FB page ng anak nina Troy-Aubrey ‘di makatarungan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WE feel for Troy Montero and Aubrey Miles dahil sa ginawang pag-unpublish ng Facebook sa page ng …

KD  Estrada Alexa Ilacad

Proposal ni KD kay Alexa pinag-usapan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANGGALING naman sa Bicol sina KD Estrada at Alexa Ilacad (plus iba pa) dahil pinasaya …

Pops Fernandez Viva Boss Vic del Rosario

Pops excited sa magiging apo, magpapatawag ng ‘LoliPops’

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BAKAS na bakas kay Pops Fernandez ang kasiyahan nang maurirat ang nalalapit …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star wa na ker mabuking man na siya ay bading

ni Ed de Leon HINDI man tuwirang inaamin ng isang male star na siya ay parang tutubing …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *