Iginiit pa ni Titoy Boboy na tatakbong presidente sa 2016 election na walang overpricing sa pagkuha noon kay Sarah bilang ambassadress ng TESDA.
“She was given what she deserves,” paliwanag pa ni Tito Boboy at naghamon pa na kayang niyang mapanindigan at harapin ang kahit sino ukol dito.
Sa ngayon, hindi niya kayang kunin si Sarah para iendoso siya sa pagka-pangulo dahil maliit lamang ang kanyang budget. Pero kung papipiliin siya ng mag-eendosong artista, ang singer/aktres ang pipiliin niya.
Sinabi pa ni Tito Boboy na hindi siya nuisance candidate.
Anang dating kongresista ng Iloilo, siya ang pinaka-qualified presidential candidate dahil sa kanyang edukasyon, kredibilidad, talino, at pagmamahal sa ating mga kababayan.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio