Nagdrim po ako ng flowers mdami ito, then bigla tumkbo ako d ko sure kng bakit o ano reason medyo nguluhan ako, kya sana ay mbasa ko intrperet mo sir, salamat, I’m Maris, wag nio na lang popost cp # ko…
To Maris,
Ang bulaklak sa panaginip ay may kaugnayan sa kindness, compassion, gentleness, pleasure, beauty, at gain. Ito rin ay simbolo ng perfection at spirituality. Ang ganitong bungang-tulog ay maaaring expression of love, joy at happiness. Alternatively, ang bulaklak ay maaari rin namang nagsasaad ng partikular na time o season. Kung ang bulaklak ay puti, maaaring ito ay sumasagisag sa kalungkutan. Kung ang natanggap ay bouquet of flowers, ito ay nagre-represent ng respect, approval, admiration, at rewards.
Ang napanaginipan namang ikaw ay tumatakbo ay nagsasaad na may mga bagay na iniiwasan ka. Ikaw ay hindi umaako ng reponsibilidad sa mga aksiyon na nagawa mo. Ito ay maaari rin namang nagsasabi na hindi mo hinaharap ang iyong takot. Posible rin naman na ang panaginip mo ay may kaugnayan sa tenderness at relaxation, o kaya naman, may kaugnayan ito hinggil sa pakiramdam ukol sa sensuality at sexuality.
Señor H.