A Dyok A Day: Math class

00 JokeTeacher: Berto, kung meron kang 7 mansanas at kinuha ni Johnny ang 3 anong mangyayari?

Berto: Ahhhh away ma’m away mangyayari pinag-hirapan ng magulang ko, ipinambili ng mansanas ko kukunin lang ni Johnny…

***

SkUl blues!

Teacher: Okay class sino si JOSE P. RIZAL

Juan: Ma’am di po namin kilala ‘yun.

Berto: Bobo baka sa kabilang section.

Teacher: (Nainis) Change topic tayo sinong pumatay kay Magellan?

Juan: Ma’am ‘di po kami sure kong si Lapu-Lapu nga…

Teacher: Bakit mo naman nasabi?

Juan: Kasi sabi po kasi ng tatay ko masama daw po ang magbintang ng kapwa kung di mo naman daw nakita!

***

Vice ganda Vs. Asiong Salonga

Asiong: Akin ang Lupang ito!

Vice: Sa ‘yo na!

Asiong: Ako ang Hari Ng Tondo!

Vice: Bakit may papeles ka?!

Asiong: May gatas ka pa sa labi…

Vice: Hindi! Milo ‘yan.

Asiong: Hayup ka!

Vice: Natural kabayo ako!

***

Bulol na anak nagtanong sa ama…

Anak: Tay asan ‘yung grif ko?

Ama: Anong grip? BRIEF. Ang laki-laki mo na bulol ka pa rin. Hala pumunta ka sa kwarto a loob ng aparador naka-HAMER.