Nngnp ako ng ring, but mya-mya napansin ko na wala akong tsinilas, kaya umalis na ako sabi ko mghhnap ako.. vkit ganun kya pngnp ko? Sna mbsa ko ito s hataw, na curious ksi ako nbsa ko kasi yung s pngnip, wag mo n lng publis cp no ko, call me elena, tnkss!!
To Elena,
Kapag nakakita ng ring o singsing sa panaginip, ito ay simbolo ng emotional wholeness, continuity, commitments and honor. Kung nasa daliri mo ang singsing, may kaugnayan ito sa iyong commitment sa isang relasyon o kaya naman, sa new endeavor. Ikaw ay tapat sa iyong ideals, responsibilities, or beliefs. Kapag nanaginip na nasira ang singsing mo, ito ay may kaugnayan sa pagdududa sa iyong katapatan. Alternatively, ang nasirang singsing ay sumisimbolo sa katapusan ng isang relasyon o pagkawala ng commitment. Kapag naman sa panaginip ay nawala o nanakaw ang iyong singsing, ito ay nagre-represent ng insecurity o maaari rin namang nagsasabi ito na nawawalan ka na ng interes sa ilang relationship or issue.
Ang tsinelas naman sa iyong panaginip ay nagsasaad na ikaw ay nakadarama ng pagiging sluggish and/or insecure. Pakiramdam mo ay wala kang strong foothold sa ilang sitwasyon ng iyong buhay. Alternatively, ito ay nagre-represent din ng domesticity, ease, comfort, and/or relaxation. Maaaring nagpapahiwatig din ito na dapat kang mag-relax o kaya naman, ikaw ay nasosobrahan na sa pagre-relax sa puntong nagiging tamad ka na.
Señor H.