Thursday , June 4 2026

5 karnaper ng taxi patay sa shootout SA QC (Sa loob ng 5 oras)

101015_FRONT
LIMANG hinihinalang karnaper ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District Anti-Carnapping Unit at Traffic Special Action Group kahapon ng umaga sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Habang isinusulat ang balitang ito, ayon kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director,  patuloy pa ring kinikilala ng mga operatiba ang napatay na mga suspek na pawang tinamaan ng bala sa katawan at namatay noon din sa Litex Road-Montanban Road, Brgy. Payatas B, Quezon City dakong 9 a.m.

Halos inabot ng limang oras ang insidente mula nang sumakay sa kinarnap na taxi ang mga suspek hanggang maitumba sila sa Payatas, Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon kay Chief Insp. Richard Ang, hepe ng Anti-Carnapping Unit, dakong 4:30 a.m. sumakay sa isang taxi ang tatlo sa mga suspek sa kanto ng EDSA-Kamuning ng lungsod.

Sinabi ng driver ng Karolnick taxi (UWN 489), nagpapahatid ang tatlo sa Xavierville ngunit pagdating sa kanto ng Kalayaan at Kamias Road, nagdeklara ng motibo ang tatlo. Tinutukan ng baril ng mga suspek ang driver at iginapos ang kamay sa pamamagitan ng packaging tape.

101015 carnap qcpd-ancar
PATAY ang limang miyembro ng carnapping group makaraang maka-enkwentro ang mga operatiba ng QCPD-ANCAR sa boundary ng Litex Road at Montalban Road, Brgy. Payatas B, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

Pagkaraan ay kinomander ng mga suspek ang taxi at dinala ang sasakyan sa gawing Proj 6, Quezon City at doon ibinaba ang driver.

Agad ipinaalam ng driver ang insidente sa barangay gayondin sa pulisya kaya agad nagpalabas ng alarma ang opisina ni Chief Insp. Ang hanggang mamataan ng nagpapatrolyang grupo ng Traffic Special Action Group ang taxi sa kanto ng Litex Road at IBP Road patungong Montalban.

Papasok ang mga suspek sa Litex Road, boundary ng Montalban at Quezon City, bumaba ang tatlo para lumipat sa naghihintay na itim na SUV (Isuzu Sportivo) na walang laman.

Nang mapansin ng mga suspek ang sumusunod mga operatiba agad silang nagpaputok. Napilitang gumanti ng putok ang grupo ni Ang at ang TSAG pinamumunuan ni Chief Insp. Lawrence Lorenzo.

Pagkaraan ng palitan ng putok, tumimbuwang na walang buhay ang limang suspek.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …