Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jovit, ‘di raw marunong rumespeto sa nakatatandang musikero

090915 Wency Jovit renee Alon

00 fact sheet reggeeMUKHANG may hindi pagkakaunawaan ang dalawang singer na sina Wency Cornejo at Jovit Baldivino.

Nagulat kami sa post ng After Image vocalist sa kanyang Facebook account tungkol kay Jovit kahapon ng umaga habang naghihintay umalis ang eroplano galing ng General Santos City.

Sabi ni Wency, “nag show ako kagabi (Setyembre 7) sa Labangal, Gensan (General Santos City). Nakakalungkot isipin na may mga performer katulad ni Jovit Baldovino na hindi marunong rumespeto sa mas nakakatandang musiko (musikero). Hindi man ganu’n kasikat, kung ang nagsulat at orihinal na nag record ng awitin ay kasama mo sa isang show, hindi mo dapat unahang kantahin ang awitin niya. Kahit pinakiusapan na hindi pa rin sya pumayag na huwag kantahin. It just goes to show, it is very hard to teach humility, respect and class.”

Nagpadala kami ng mensahe kay Wency tungkol dito pero hindi na niya kami nasagot dahil siguro nakaalis na ang eroplano nila.

Ano kaya sa mga orihinal na kanta ni Wency ang kinanta ni Jovit, ang Next In Line, Habang May Buhay o Mangarap Ka? (Hindi ang kanta ni Wency ang tinutukoy niya na inawit ni Jovit. Ito raw ay ang awitin ni Renee dela Rosa, ang Pusong Bato—ED)

Tinanong namin ang handler ni Jovit sa Star Magic at sinagot kami ng, “hi Reggee, inaalam ko pa, nasa plane pa sila.”

Noted!

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …