Kanya-kanyang paboritong anghel ang viewers pero sa episode noong Lunes ay si Sam ang ipinakitang anghel na sumagupa sa alalay ng tagasundong si Baron Geisler.
Ilang gabi na lang at malapit ng matapos ang Nathaniel kaya naman sunod-sunod na nabubuking ang lahat ng sikreto ng magkapatid na David Chua at Isabelle Daza na nagpapanggap sa ibang pangalan.
Mula nang umere ito noong Abril ay parating panalo sa national TV ratings ang Nathaniel dahil sa magagandang episode na pagtuturo at pagpapaalala nito ng likas na kabutihan ng tao.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ay magtagumpay kaya si Nathaneil sa kanyang misyon na ibalik ang pananampalataya ng tao sa Diyos? Mapipigilan nga ba niya ang masasamang plano ng Tagasundo (Baron) laban kina Paul (Gerald Anderson) at AVL (Coney Reyes)? Sa huli, ano nga ba ang gagawin nina Paul at Rachel (Shaina Magdayao) kapag natuklasan nila na ang batang anghel pala ang namatay nilang anak.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.
Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng Nathaniel gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
FACT SHEET – Reggee Bonoan