Wednesday , August 13 2025

Abueva, Romeo sumikat sa Jones Cup

090715 gilas abueva romeo
MAGANDA ang kabuuang laro ng Gilas sa Jones Cup na ginaganap sa Taipei, Taiwan.

Hindi pa tapos ang tournament pero sigurado nang kampeon ang Iran dahil sa isa lang ang naging talo nila sa kabuuang laro sa torneyo na may format na single round robin.

Ang Gilas, malaki ang tsansa na makasampa para sa silver base na rin sa magandang karta at mas mataas na quotient sa mga humahabol na ibang bansa.

Ang rebelasyon sa nasabing laro ng RP 5 ay ang magandang inilaro ni Calvin Abueva.   Kung dito sa ating bansa ay puro porma lang, pangangaldag at kayabangan ang ginagawa niya—sa Jones ay nagpakita ito ng maturity sa laro.   Halos siya ang nagpasigla ng laro ng mga Pinoy.

Good work Abueva.  Sana madala mo ang larong iyan sa FIBA Asia.

0o0

Napuna lang natin na parang kabado ang RP team kapag nakaharap na ang South Korea at Iran.

Itong dalawang bansa ang dumiskarel sa kampanya ng Pinas para makuha ang Gintong medalya sa Jones Cup.

Well, siguro, kapag nakaharap natin silang muli sa FIBA Asia, alam na natin ang gagawin para manalo.  At dapat lang ng tanggalin ang kabog sa dibdib para dagukan ang mga bansang ito sa basketball.

0o0

Ang isa pang rebelasyon sa Jones Cup ay itong si Terrence Romeo.  Katulad ni Abueva, nagpakita rin ito ng tapang.   At dahil sa tapang na iyon na hinahamon ang mga naglalakihang manlalaro ng ibang bansa—naging bukang-bibig siya sa Taipei.

Instant superstar siya roon.

Katunayan ay maging ang babaing kumapanayam sa kanya para sa sidelights ng laro ay mukhang na-in love sa kanya.

0o0

Unti-unti ay nagji-jell na ang laro ng Gilas.   Parang sinasabi ng team na hindi na kailangan pa ang serbisyo nina Fajardo, Slaughter at iba pang tumalikod sa tawag ng tungkulin para maging competitive sa parating na FIBA Asia.

May ilang linggo pa para tuluyang magkaamuyan ang miyembro ng Gilas.

At eksakto sa FIBA Asia—magiging panlaban ang team.

Good luck Gilas!

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

Tristan Jared Cervero

Tristan Jared Cervero wagi sa paligsahang Xiangqi sa PH

NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand …

Ivan Travis Cu Chess

FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs

IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu …

V League

V-League Collegiate Challenge ngayong Sabado na

Ynares Sports Arena, Pasig 10 a.m. – NU vs Arellano (Men) 12 p.m. – UST …

Manila Marathon Rio Dela Cruz Andrew Neri

Manila Marathon, aarangkada sa Linggo

MALUGOD na inihayag ni international marathoner Rio Dela Cruz president at CEO ng Run Rio …

Antonia Lucia Raffaele Zoe Lim Philippine Artistic Swimming Team

Sa Hong Kong Open
Philippine Artistic Swimming Team, nakasungkit ng 3 bronze medals

PATULOY ang pag-igting ng koponan ng artistic swimming ng Filipinas sa pandaigdigang entablado, matapos nilang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *