Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging mabait at gentleman ni Ejay, hinangaan ni Alex

071015 Ejay Falcon Alex Gonzaga

00 fact sheet reggeeTANGGAP ng viewers ang tambalang Alex Gonzaga at Ejay Falcon dahil ang pilot episode ng Wansapanataym na I Heart Kuryente Kid ay nakakuha kaagad ng 33.4%, o mahigit 13 puntos na kalamangan kompara sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na Ismol Family (20%).

Napanood din namin ang pilot episode at tamang timpla naman ang tambalan ng dalawa na isang kikay na TV reporter at isang seryosong utal na nagkaroon ng power sa pamamagitan ng koryente.

Iniisip at minamasdan namin si Ejay kung bakit maraming babaeng nagkakagusto sa kanya at hindi lang basta-basta dahil mga titulado pa, may charm ang aktor at dagdag pogi points pa ang pagiging super mabait.

Maging si Alex na masyadong observant din sa mga nakakasama niya sa show ay inaming super bait ni Ejay at gentleman.

Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ng I Heart Kuryente Kid ngayong gabi ay magku-krus ng landas ang magkababatang sina Penelope (Alex) at Tonio (Ejay). Ano ang gagawin ni Tonio sa oras na muli silang magkita ng babaeng pinakahinahangaan niyang si Penelope? Handa na ba siyang aminin dito ang tunay na nararamdaman? Paano nga ba babaguhin nina Penelope at Tonio ang buhay ng isa’t isa lalo na ngayong natuklasan ni Tonio ang kakaibang kapangyarihan na kanyang nakuha?

Bukod kina Alex at Ejay ay kasama rin sina Miguel Vergara, Bryan Santos, Fourth Solomon, William Lorenzo, Frances Makil-Ignacio, at Tirso Cruz III mula sa panulat ni Philip King at direksiyon ni Andoy Ranay.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng  Wansapanataym gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …