Thursday , December 26 2024

CCTV camera sa House of Representatives sa Batasan Complex super palpak pala?!

00 Bulabugin jerry yap jsyKUNG napatunayan ng National Bureau of Investigation (NBI) na bogus ang istorya ng ‘WANG BO BBL PAYOLA’ nadiskubre naman ng House of Representatives security force na palpak pala ang recording ng kanilang CCTV camera.

Batay kasi sa mala-pelikulang pagsasalarawan sa balita hinggil sa pamamahagi ng BBL payola sa mga congressman, dinala raw sa Batasan Complex ang sako-sakong salapi para ipanuhol sa mga mambabatas.

Ang nasabing salapi umano ay mula sa Chinese crime lord ‘kuno’ na si Wang Bo.

Na-wang-bo na talaga ang mala-pelikulang insidente na ito na later ay matutuklasan ng NBI na wala man lang bakas ng kahit isang katotohanan.

Ang totoo lang pala rito ‘e ‘yung involvement ni Wang Bo sa online gaming na ikinabuwisit ng karibal nilang kompanya.

Sa imbestigasyon pa rin, binusisi ng House security ang kanilang CCTV camera recording para makita nila kung mayroon nga talagang sako-sakong salapi na ibinaba sa Batasan Complex para ipanuhol sa mga mambabatas, pero walang nai-record ang CCTV dahil ‘palpak’ pala.

‘E mantakin n’yo naman, ang kanilang CCTV camera ‘e VHS pa ang recording system.

Ilang taon na ba, na ang deliberasyon sa Senado at Kamara ay TRILYONES na ang national budget, pero ang CCTV recording ay VHS pa rin?!

SONABAGAN!

Buti na lang at hindi naisipan pasukin ng mga terorista ang nasabing government building dahil kung hindi tiyak na malaya silang makatatakas at walang maire-record na mga suspek.

Tsk tsk tsk…

Ngayong natuklasan na ng Kamara na palpak pala ang kanilang CCTV camera palagay naman natin ‘e hindi na magdadalawang-isip pa si Speaker Sonny Belmonte na gawin nang state-of-the-art ang kanilang security system dahil napaka-hi-tech naman na ng mundo ngayon.

Kumbaga, one click lang ‘yan at ang pag-uusapan na lang ay budget.

Tiyak naman na aprub agad ‘yan dahil seguridad na ng Kamara ang pinag-uusapan dito.

‘Di ba, Speaker Sonny Belmonte?!

Magulong sistema ng Bureau of Fire Protection

MAGANDA na sana ang programa ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa kanilang fire preventive inspection sa Metro Manila.

Kung maipapatupad ito nang maayos ay mas maiiwasan ang sunog, huwag lang ga-wing ‘livelihood’ ng ilang tulisan sa BFP.

Ang nakapagtataka iisang departamento pero mukhang bulok ang coordination ng bawa’t division ng BFP.

Gaya na lamang sa business establishments sa Maynila, sunod-sunod ang ginagawang inspection ng mga kawatan ‘este kagawad ng BFP-NCR at BFP Tondo (local).

Hinaing ng isang ka-BULABOG natin na negosyante, matapos inspeksiyonin ang kanyang tindahan ay sinunod naman ang kanyang tatlong-palapag na residential house ng ilang tauhan ng BFP-NCR at BFP local.

Sonabagan!!!

Anong klaseng inspection ba ang ginagawa ng BFP!? Matapos ang NCR kasunod naman ang local BFP?!

Walang katapusang inspection ba ‘yan BFP chief director Ariel Barayuga!?

Ang siste, hindi pala ini0-honor ng local BFP ang mga clearance at pasadong inspection papers na ibinibigay ng BFP-NCR kaya ang ginagawa ng local BFP ay panibagong inspection na naman.

Sa dami ng rekisitos at walang katapusang inspection ‘e talaga naman pahirap sa mga negosyante ‘yan?!

Aba’y sa ganyang sistema, maliwanag na may red tape na ‘yan ‘di ba!?

May nakikita ka bang solusyon sa isyung ito, BFP chief Ariel Barayuga!?

Congratulations Police Files Tonite on your 12th anniversary!

MASAYANG nag-text sa inyong lingkod ang katotong JOEY VENANCIO kahapon ng umaga para ibalita na ISANG DEKADA na ang sister publication natin na Police Files Tonite.

Congratulations pareng Joey & mareng Leni!

Alam naman ng inyong lingkod na kung hindi dahil sa pagsisikap ninyong mag-asawa ay hindi aabutin nang ganyan katagal ang Police Files Tonite.

Kapalit ng inyong pagsisikap ay biniyayaan rin kayo ng mga katuparan ng inyong mga pangarap.

Siyempre, pana-panahon rin na nagkakaroon ng mga pagsubok pero dahil sa inyong determinasyon ay inyong napagtatagumpayan ang mga ‘yan.

Kaya nga isang dekada na ngayon ang Police Files Tonite ‘di ba?

Again, congratulations pareng Joey & mareng Leni…

Happy 12th anniversary and looking forward for more years to come.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *