Thursday , June 4 2026

Congrats sa NPJAI

00 rektaBinabati ko ang lahat ng bumubuo sa samahan ng New Philippine Jockeys Association, Inc. (NPJAI) sa pangunguna ng kanilang presidente na si Gilbert Lagrata Francisco sa kanilang naging pakarera nitong nagdaang weekend sa pista ng Metro Turf Club, Inc. sa Malvar, Batangas.

Naging masaya ang karamihan ng mga BKs sa kanilang “1st Jockeys Foot Race Event” na nilargahan sa distansiyang 100 metro at pinagwagian ng isa sa mga batang hinete na nakasali na si Jonathan “King” Flores.

Sa naganap na katuwaan na takbuhan ay siya ang naging paborito dahil nga siya ang bata at tiyak na may mas mahabang hininga sa biritan sa pagtakbo.

Congrats muli sa inyong lahat at hangad ko na lumakas pa ang inyong samahan. Higit sa lahat ay hirit din nating mabigyang importansiya ang mga karerista at mga horse owners na namumuhunan ng malaki sa kanilang mga alaga.

REKTA – Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …