Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grae Fernandez, inire-request na gawing regular sa Luv U

051515 Grae Fernandez Sharlene San Pedro

00 Alam mo na NonieMAY ilang young fans ni Grae Fernandez ang nakahuntahan namin after na mag-guest ng guwa-ping na anak ni Mark Anthony Fernandez sa youth oriented show na Luv U ng ABS CBN last Sunday.

Gumanap si Grae sa natu-rang episode ng Luv U bilang si Carter na best friend ni Madeline, isang mayamang teena-ger na kamukha ni Shirley na ginagampanan naman ni Sharlene San Pedro.

Dahil dito, may ilang young fans ni Grae ang nagsasabi na baka raw puwedeng gawing regular na sa Luv U si Grae. Ganoon kalakas ang dating ni Grae sa fans. Actually, pati bunsong anak kong si Ysabelle ay sobrang paborito si Grae. Kaya kahit na noong umeere pa ang Bagito na pinagbidahan noon ni Nash Aguas, lagi itong pinapanood ng anak ko dahil bahagi si Grae at ng grupo ni-yang Gimme5 ng naturang TV series na ito.

Naaalala ko pa, na pati nga sa Twitter, may isang fan ni Grae ang nagdi-DM sa akin dahil kay Grae.

Well, hindi naman, hindi kataka-taka kung pagkaguluhan ng fans si Grae, dahil bukod sa guwaping ay natural umarte ang bagets.

Hopefully, very-very soon ay magkaroon sana ulit si Grae ng regular show o makasali sa isang pelikula, para naman ma-ging masaya ang sandamakmak na fans niya.
ni Nonie V.Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …