Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mrs. Sebastian at Mich, nag-aaway sa pera ni Jam

ni Ronnie Carrasco III

042215 Jamich

NARITO ang karugtong at huling bahagi ng interbyu ng Startalk kay Mrs. Maricar Sebastian, ina ni Jam, na naglabas na ng kanyang sama ng loob kay Mich Liggayu.

Isa raw sa mga hiniling niya kay Mich was she be furnished with an audit report ng mga asset ni Jam. ”Gusto ko ng breakdown ng finances ng anak ko. Ni singko, wala akong pinakinabangan sa pagsikat ng anak ko. This time namatay ang anak ko, may karapatan ako. Sino ba ang laging kasama sa trabaho ng anak ko…mga dapat suweldo ng anak ko, ‘yun lang ang hinihingi ko.”

Ang inaasahan daw sanang P500K ni Maricar na kinita ng anak mula sa isang telecom company ay P145K na lang ang kanyang natanggap less manager’s commission. ”Kung kinuha ng manager ‘yung P150K, dapat tig-175K tayo. Ang sabi ng mother mo, inawas ‘yun sa bahay. Kung tutuusin, two months bayad ang deposit ng bahay dahil ako ang nagbayad niyon.”

Si Mich pa raw ang may ganang ireklamo siya ng trespassing, “Inireklamo n’yo ako sa clubhouse, ako pa ang trespassing samantalang ako ang nagbayad, ako ang naghanap ng bahay at bahay ng anak ko ‘yan.”

Sa ngayon, nalimas na raw ni Mich ang mga kasangkapan sa bahay. ”Noong pumunta ako roon, nandu’n ‘yung aircon, wala ang remote (control). Ang mga naiwan, mga kumot, mga unan. ‘Yung wheelchair na lang ang natira.”

May panawagan din ang grieving mom sa PA (personal assistant) ni Mich na si Tintin.”Tintin Danao, huwag mo akong gawan ng fake account…Huwag ako ang kalabanin mo, baka hindi mo ako kilala.”

Samantala, ilan sa mga tropa ni Jam na sina Jasper, Mark atbp., ay sumusumpa na ‘yung Neo Domingo na napapabalitang nobyo na ngayon ni Mich ay kompirmadong kataling-puso na nito.

Hinihiling nila kay Neo na magpakatotoo, bilang ganti sa kabutihang ipinakita sa kanya ni Jam.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …