Saturday , April 27 2024

Janice, dahilan daw ng hiwalayang Gerald at Maja

ni Roldan Castro

042115 maja gerald janice

MARAMI ang hindi makapaniwala sa tsismis at blind items na si Janice De Belen ang dahilan umano ng paghihiwalay nina Gerald Anderson at Maja Salvador.

Bagamat naging close ang dalawa dahil mag-nanay ang role nila sa Budoy, na mukhang nabibigyan ngayon ng malisya ang pagiging malapit nila sa isat’isa.

Pati ang kissing photo ng dalawa na nakanguso si Gerald sa kanya ay binibigyan ng kulay. Kuha ‘yun noong kaarawan ni Janice noong November. Hindi naman ipo-post ‘yun ng aktres kung magiging sanhi lang ng kontrobersiya. Hindi naman eskandaloso ang naturang larawan pero iniintriga ngayon.

Posible bang ma-in-love si Gerald na 26 years old sa isang 46 years old na gaya ni Janice? Wala bang paki si Gerald maski mas matanda pa sa kanya ang panganay ni Janice?

Hindi kaya maging mitsa na masira at maputol ang pagiging close nina Gerald at Janice ang isyu sa kanila ngayon?

Importanteng linawin nila ang real score lalo na kung hindi totoo.

Napapanood ngayon ngayon si Janice sa seryeng Oh My G!. Ang laki ng ipinayat niya at blooming.

Sino kaya ang inspirasyon niya?

Just asking!

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *