ni Roldan Castro
INAMIN ni Liza Soberano sa panayam ng DZMM na nanliligaw sa kanya si Enrique Gil.
Bago pa man magsimula ang Forevermore ay very vocal si Enrique na crush niya si Liza. Ganoon din naman ang feeling ng batang aktres.
Ramdam ni Liza na laging nandiyan si Quen (tawag kay Enrique) sa tabi niya at umaalalay ‘pag may problema siya. Handa na rin siya kung ma-develop ang relasyon nila.
“Puwede na,” sambit niya.
Samantala, nakiusap din si Liza na ‘wag i-bash ang ka-love triangle nilang siDiego Loyzaga. Ganoon din si Sofia Andres na ka-love triangle din niya kay Enrique. Ayaw niyang maranasan nila ang na-experience niyang pangba-bash sa kanya noong makasama niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo saGot To Believe. Aminado siyang nasaktan siya that time.
“’Wag naman sana ganoon para hindi naapektuhan iyong trabaho ng tao,”deklara pa niya.