Thursday , June 4 2026

Ha’ani at Jimmy Dee, maganda ang tandem

 

041315 Ha ani Jimmy Dee copy

00 Alam mo na NonieLABIS ang pasasalamat ng baguhang singer/recording artist na si Ha’ ani sa kanyang producer na si Mr. Jimmy Dee sa break na ibinigay sa kanya. Si Mr. Dee ay dating Supersatr sa Guam na ngayon ay may iba’t ibang business sa Pilipinas, Guam, at sa iba pang lugar.

“Super-super thankful po ako, super blessed po ako na nakilala ko si Mr. Jimmy Dee from Guam, USA at naniniwala po siya sa talento ko. Kaya pinu-push niya po talaga ako, sinusuportahan and lahat po ng magagawa niyang best, ginagawa niya.

“Kaya siyempre ako rin po, ibibigay ko rin po yung lahat ng makakaya ko, yung best ko,” saad ng 19 year old na si Ha ‘ani.

Marami pa ba siyang talent bukod sa iyo? “Sa ngayon po, ako lang yung singer na sinusuportahan niya ‘Yung iba po models, dan-cers, tapos ‘yung iba po from Guam.”

Dadalin ka ba niya sa Guam? Ano ang plano niya sa iyo?

“Yes po, may plan po siyang magkaroon ng concert sa sarili niya pong beach resort sa Guam.”

Si Ha ‘ani ay may self-titled album mula sa Superstar Records na pag-aari rin ni Mr. Dee.

Bakit naging Ha’ani ang name mo? “Ang ori-ginal na name ko po is Pauline Hanani and yung history po niya kung bakit naging Ha ‘ani is because mahirap daw po bigkasin ‘yung Haani sa Guam,” saad pa ng talented na singer.

“Let me answer that, some folks they had a problem, they could not pronounce Hanani so they kept saying Haani… Haani. So pretty soon, after a month she became Ha’ani,” nakangiting esplika naman ni Mr. Dee.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …