Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jueteng ni Luding sa Baguio at Benguet kaladkad ang pangalan ni Sec. Mar Roxas

00 rex target logoBUWISIT talaga si LUDING BONGALING, ang promotor ng jueteng diyan sa siyudad ng Baguio at mga kalapit na bayan sa Norte.

Gamit at kaladkad pa ng tarantadong jueteng lord bilang panindak sa mga pulis ang pangalan ni DILG Secretary Mar Roxas.

Kung hindi ba naman ugok, alam na alam ng tarantado na nagpapabango ng pangalan ang mabunying Kalihim dahil sa ambisyon na maging susunod na Pangulo ng bansa sa 2016, akalain n’yo po bang labutawin ang pangalan ng LP wannabe standard bearer sa isyu pa ng buwisit na jueteng.

Sobrang ka-cheapan naman ‘yan ikinulapol na issue nitong siLUDING kay Boss Mar Roxas.

Presidentiable na naturingan, ipinanangalandakang naka-‘tongpats sa jueteng?

Gaano ba kadikit itong si LUDING BONGALING kay SecretaryRoxas para magkalakas ng loob ang kupal na gamitin ang pangalan ng Kalihim ng DILG?

Ultimong local officials ng Baguio at Benguet ay pawang urong umano ang yagbols kay LUDING.

Hindi bababa sa isang milyong piso kada araw ang kobransa ng network ng kupal na tatlong beses isang araw. Diyan pa lamang po ‘yan sa Baguio City at mga kalapit ng bayan.

Kung milyones umano ang kinakabig ng hinayupak na jueteng lord sa kanyang unabated operations, ganoon din daw kalaki ang payolang ipinagkakaloob sa isang heneral na may alyas PELISCO na naka-base naman umano sa opisina ni Sec. Roxas sa Quezon City.

Wala umanong magawa ang provincial at regional director ng PNP sa nasabing lugar dahil sa takot na ma-relieve sa poder ‘pag ginalaw ang pa-jueteng ni LUDING.

So para maging ‘everybody happy’ join na rin sa katarantaduhang ito ang lahat ng opisyales ng PNP sa nasabing lugar mula sa chief of police pataas.

‘Eto na ba ang panimula ng isang grand fund raising project ni Sec. Mar para sa 2016 presidential elections?

Sa jueteng ba magmumula ang malaking bulto ng campaign funds mo gaya ng ipinagyayabang ni LUDING at Gen. PELISCO, ha Sec Mar?

Well, kung hindi man ito totoo, ang daling patunayan sa sambayanan sa pamamagitan ng pagpapaaresto sa gunggong na jueteng lord.

Iyan ‘e kung kaya nga ni Sec. Roxas na sagasaan ang mina ng kuwartang nagmumula diyan sa Norte.

May kasunod… ABANGAN!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

ni Rex O. Cayanong

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …